Chapter Thirty Four "SHALL WE GO FOR A TRIP?" Ani Jasper. Hindi muna kami bumalik sa Mansion. Mas ginusto namin panoorin ang unti-unting pagsikat ng araw habang nandito at nakahiga sa may buhanginan. Marami akong gusto sabihin sa kanya pagkatapos namin magkaayos kanina, pero mas pinili ko na manahimik na lang at damhin ang presensya n'ya. "A trip?" "Yup. Isama natin sila Erin." "But i wanted to have some alone time with you." S'ya naman ang naningkit ang mata sa akin. Tumawa ako dahil parang nababasa ko na ang naiisip n'ya. Pinitik n'ya ng marahan ang noo ko. "Don't tempt me wife. Baka masundan si Ares Shawn ng wala sa oras. Baka nakakalimutan mo ng sharp shooter ako." I hit his arm. "You and your wild thoughts." Umiling-iling na lamang ako. Muli na naman n'ya akong kinulong sa

