Chapter Twenty Seven FOUR MONTHS LATER... "Skye. Inaalok ka na naman ng bagong endorsement." Ani Erin. Kumunot ang noo ko "Anong endorsement naman?" "Clothing line. Kayo ni Tyler ang kinukuha." Sinuklay ko ang mahaba kong buhok. "Ayos lang ba na kumuha ako ng panibagong endorsement?" Tumango sa akin si Erin. "Hindi ka pa naman fully loaded kaya pupwede pa. Pero alalahanin mo na may drama na naman kayo ni Tyler." Ako naman ang tumango. Sa nakalipas na apat na buwan, naging consistent kami sa endorsements at dramas. Maraming nag-aalok na drama at movies sa amin ni Tyler na hindi malabong tanggapin namin in the near future dahil sa pagtanggap sa amin ng maraming tao. Nagkaroon rin ng international screening sa iba't ibang bansa nang magkaroon kami ng Drama ni Tyler noong nakaraan. Hal

