Chapter Twenty Nine "YOU'RE NOW OFFICIALLY HUSBAND AND WIFE." Ani ng Pari. Naghiyawan naman ang lahat pagkatapos. Kitang-kita ko ang saya ni Clarissa at ni Martin ngayong legal na silang mag-asawa. Their three years old son is there too. Pagkatapos ng kasal ay dumeretso na lahat sa reception. Hindi na ako sumabay sa kanila dahil may sarili naman akong sasakyan. Ganoon rin si Erin at Drake. Nahuli ako ng kaonti dahil naghanap pa ako ng CR. "Pwede ba ako sumabay?" Ani Jasper. Umawang ang labi ko. Tumingin sa paligid at napansin na wala na iyong Van para sa mga bisita. Wala na rin si Erin at Drake. Kinagat ko ang ibabang labi at saka tumango. Iikot sana ako sa kabila para ako na lang ang magdrive pero mabilis n'ya hinawakan ang aking braso. Wala sa sariling napatitig ako sa kanya. "Ako

