Chapter Thirty Two "I'M GOING BACK TO US." Humihikbi na sabi ko kay Erin. Nakita ko na tumingin sa akin si Drake. Alam ko na may sasabihin s'ya sa akin pero pinigilan n'ya lang dahil nandyan si Erin. "Are you sure? Huwag ka magpadala sa emosyon mo Skye."Napapikit ako at muling napahagulgol. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang manatili sa lugar na alam kong magpapahirap sa akin. I know this would be unfair to him but this is my decision. Hindi ko naman ilalayo si Ares Shawn sa kanya. Gusto ko lang makalayo. I need time for myself. "Buo na 'yung desisyon ko Erin." Nanginginig na sabi ko sa kanya.Tinignan n'ya lang ako. "Alam kong nasasaktan ka but please, think again. You might regret this decision Skye."Umiling ako. Hindi ko na kaya. Kusa ng bumibitaw yung puso ko. Wala ng natitira sa

