DAN Hindi ko alam kung bakit nagpapakahirap sya para mahalin ni jace..samantalang nandito naman ako..ngayon nandito sya sa bahay ko at umiiyak nanaman..I took a deep breath bago ako lumapit sakanya.. "Tama na yan.."hinahagod ko ang likod nya dahil halos nag uubo na sya kakaiyak Pero patuloy lang sya sa pag iyak at parang hanging dumaan lang sakanya ang sinabi ko..Misty kung ako nalang sana siguro di ka magkakaganyan dahil di ko hahayaan na umiyak ka at masaktan.. Nagulat ako nang bigla nya kong sinunggaban ng halik marahang tinulak ko sya.. "You're drunk.."pigil ko sa ginagawa nya Ngumiti sya sakin at masuyong hinaplos nya ang pisngi ko nakatingin lang ako sa luhaan nyang mukha..nasasaktan din ako sa mga nakikita ko ngayon..biglang bumagsak si Misty payakap sakin..lasing..ayun k.o..

