PIA Tulala parin ako pagkatapos kong malaman ang pagkawala ng kaisa isang alaala ng masasayang oras ko kay Dan.Nang sumagi sa isip ko si Dan ay nagtubig nanaman ang mga mata ko. After what I've done for him ito ang natanggap ko sa pagmamahal ko sakanya.Ang maiwan dito mag isa at mawalan ng anak.Anak na di man lang nya nalaman na nawala. "If you want to take revenge kailangang matibay ang loob mo.."napatingin ako kay Dee ng magsalita sya. "Bakit mo nasabi yan?"matamlay na tanong ko. "Dahil sa bawat hakbang mo na alam mong makakasakit ka ng iba hindi sila ang kalaban mo kundi konsensya mo.."napaisip ako ng malalim ng sabihin yun ni Dee sakin. Tama sya kumpara sakin mas malala ang nangyari sakanya pero pano ko malilimutan lahat ng sakit?ayoko naman na dalhin to sa loob ko hanggang pagta

