PIA Ilang buwan ko din na di nakita o nakasama si Dan at kahit pano ay gumaan ang pakiramdam ko.At ngayon ko lang din naisip at narealize na isang taon na palang patay ang kaibigan ko. Isang taon na akong mag isa at walang masabihan ng problema.Isang taon din ang nadagdag sa pagiging tanga ko na patuloy na mahalin si Dan. Ewan ko ba pero kahit anong gawin ko mahal ko parin ang manhid na lalaking yun kahit pa nga nasasaktan ako tinatanggap ko parin dahil kasama yun sa pagmamahal. Noon palang mahal ko na ang lalaki na yun kahit may pagkasuplado ang peg nya ay nagtitiis ako makasama lang sya. Masilayan ko lang sya napapangiti na ako.Alam ko na parang baliw na ako sa mga ginagawa ko pero kasi di ako nagsasawa na mahalin sya kahit pa pinapakitaan nya ko ng masama. At tulad ng mga nakaraa

