PIA Nakayuko lang ako habang naglalunch sa cafeteria mag isa dahil absent ngayon si Dee at wala akong ibang kaibigan kundi si Dee lang,patuloy lang ako sa pagkain ng tahimik ng may marinig akong nag usog ng upuan sa harapan ko kaya napaangat ako ng tingin at tumambad sakin ang nakangiting si Tom. "Mag isa ka nanaman.."naupo sya sa bakanteng upuan sa harap ko. Napakurap lang ako dahil nagsisunuran din na naupo dun sila Art,natahimik ako ng makita ko na umupo na din pala si Dan sa tabi ni Art,lalo akong nailang ng ismiran ako ni Dan bago nilantakan ang pagkain na dala nya,lahat sila ay walang kibong kumain na din. "Teka..bakit nandito kayo madami namang bakanteng mesa ah?"angal ko. "Ayaw mo ba kami kasama kumain?"napatikom ang bibig ko sa masungit na sagot nung Art,kaya alanganing napat

