Chapter 2

1835 Words
Ryle's POV Stalker Blah blah blah blah blah Isa na namang araw na nakakaantok. Sana naman kasi may kama sa room para pwede kami matulog habang nakikinig. Kasalanan na ng teacher kung maganda boses nya at nakatulog kami ng mahimbing. Tama-tama siguro marami naman papayag pag-ganun, magrequest nga ako sa council meeting sa susunod na linggo. Kaso natatamad ako pumunta makikinig lang kami roon e. Wala ako maintindihan sa pinagsasabi ng teacher namin pasok sa kaliwa labas sa kabilang tenga. Yung bagong tranferee naman patingin-tingin sa kin. Dukutin ko mata nito e, tingin ng tingin ayaw ko sa lahat ng tiningnan mukha ko without my permission. Kailangan may abiso muna galing sa 'kin bago ako titigan. Well napaka-gwapo ko talagang nilalang. Di ko na kasalanan kung matamaan sya sa kagwapuhan ko. Speaking of gwapo ako na yata ang Mr. Universe na sa sobrang gwapo at kisig. Napatingin naman ako sa mga braso ko. Hayst ang laki na ng kinapayat ko. Naku nahihiya lang mga abs ko na lumabas. Hinalikan ko ang dalawang braso ko. Mahal na mahal ko tong mga abs ko e. Natatawang nakatitig sa kin si Nica. Ano tinatawa-tawa ng panget na to? Inirapan ko na lang at humarap ako sa bintana na sa tabi ko lang. Wala talaga pumapasok sa utak ko kahit anong explain or examples wala ako maintindihan. Paano na lang kapag ibibigay na card ko? Siguro wag ko na lang ipakita kay Tita tapos ako na lang mag-doctor ng pirma sa card ko. Lagot ako kay Tita nun pagnagkataon, ayoko pa naman mag-patutor kung kanino. Kahit anong pilit ko makinig wala talaga pumapasok sa inaantok kong utak. Lahat naman yata or ibang estudyante ganito katulad ko. Hinihintay ko lang mag-uwian para makaltukan ko ang mga kulugo at makapag-pahinga na ko sa bahay. Blah blah blah blah blah Tulala lang ako nakatingin sa bintana. Tinatamad ako maglakad pauwi kung may pakpak lang sana ako baka lagi na ko lumulutang. Napaka-gwapo ko namang anghel nun Kung nagkataon na bigyan ako sa itaas— ay kisame pala andito sa room. Dami ko iniisip kung ba't ko pa kailangan mag-aral? Trabaho lang naman makukuha ko pero Di ako magkakaroon ng asawa. Kelan kaya mababaog ang mga kulugo? Nako magpapamisa ako sa simbahan Kung meron man magseryoso sa mga Yun. Natapos na rin ang klase at tumunog na ang bell. Hayst sa wakas uwian na rin yari sakin mga kulugo. Naginat-inat ako ng braso bago lumabas ng room. Well gusto ko nang umuwi at matulog. "Class dismissed see you tommorow." sabay lumabas na ang proffesor namin. Lumabas na rin ako at saktong sa 'kin naghihintay sa tapat ng room ko ang mga kulugo. Nandilim ang paningin ko sa kanila sa bwisit ko kanina. Lumapit ako sa kanila at agad ko silang kinutasan sa ulo. Kulang pa yan sa kin matapos nila ko iwanan at takbuhan nila lang ako kanina. "Para sa'n naman yun?" napa-himas ng ulo si Aldian sa sakit "Ang sakit Ryle ha?!'' Naka simangot na sabi ni Rence. Ang arte-arte akala mo naman gawa sa ginto ang mga katawan. "Ang sakit tuloy ng ulo ko." Napaka-arte ampuga akala mo naman kagwapuhan. "Tss, para yan kanina kasi tinakbuhan at iniwan nyo lang ako kanina" mahinahon ngunit may diin ko'ng sabi "E malay ba namin na maiiwan ka namin" sabay kaltok din sa ulo ko. Aba talagang bumawi pa ha?! Kutusin to eh. Nahiya ako sa pasa at bukol na natamo ko kanina tss. Bigla na lang ako hinila ng mga kulugo at kung ano-ano binulong. "Kaklase mo pala si Transferee?" "Ano nag-usap ba kayo? Ano pangalan? Ano cellphone number nya?" "Alam mo saan nakatira? Tara puntahan natin." Wala ni isa sa kanila ang di ko maintindihan sa sunod-sunod na tanong nila. Para nakaupo ngayon ako sa isang fast talk daig pa si Tito Boy. Boy Abunda tonight! Kinikilig na parang ewan Ang mga kulugo ng dumaan sa harap namin yung babaeng tinutukoy nila. Daig pa ang babae Kung makatili ang titinis ng boses. Napailing na lang ako sa kanila. Parang mga baliw tong mga to— literal na baliw pala. Pinag-tinginan naman tuloy kami ng iba. Pinag-babatok ko naman sila at ganun na lang ang sama ng tingin nila sa kin. Akala mo kasi kung ano pinagtitili ang sakit-sakit sa tenga. "Tara babawi kami sayo" sabay tumawa ng nakakaloko itong mga kulugo na to. Hayst kahit di nila sabihin alam ko na pupuntahan namin. Kusang lakad-takbo ang paa ko kakahila ng mga kulugo na 'to. Nakarating agad kami sa likod ng ladies room bigla nalang sumilip na naman sa maliit na butas. Mga m******s talaga. "Halika na wag ka na pakipot diyan bumabawi lang kami sayo" sabi ni Aldian. Di mapakaling tumayo naman si Rence na agad lumapit sa 'kin. Niyaya na rin niya sina Kerby at Aldian. Problema nito bakit parang nakakita ng kung ano tong si kulugo. "T-tara na b-baka abutan pa tayo ng dilim." nauutal na sabi nito para maiihi ito sa takot sa nakita niya "Bakit? ano ba nakita mo?" Sisilip na sana si Aldian sa pinagsilipan ni Rence ng pigilan siya neto. Ang weird siguro bakla nakita nito sa butas. "Wag!M-mamaya ko sasabihin sa inyo'" mahinang sabi nito. May kung ano nakita nito siguro to? Ano naman kaya Yun? Madalas babae lang nakikita nilan Lumabas na kami at magpunta Kung saan. Napagpasyahan na lang namin na pumunta na Lang sa malapit na fast-food chain Habang naglalakad bigla na lang tumigil sa paglalakad si Aldian Naka-jackpot yata anh Kulugo. "Bakit Pre?" Tanong ko tumingin siya sa likod ko na parang may hinahanap. Wala naman tao sa likod ko ah? "W-wala." bumalik na ulit kami sa paglalakad kanina pa sila di mapakali parang may ginawang krimen mga to. Bigla na lang tumigil sa paglalakad ang mga kulugo. Ano ba problema mga to? Tumigil na rin ako sa paglalakad at tinanong sila. "Ano ba problema nyo at patigil-tigil kayo sa paglalakad?!" Nainis na ko e excited na ko malaman sasabihin ni Rence sa amin. "Sino ba yang sumusunod sa atin?" Sabay nilang sabi at tinuro ang nasa likod ko. Sumusunod sa 'kin? Aso ba? O ung mga bumugbog sa kin? Naku uunahan ko na sila takbuhan bago pa nila ako takasan. Tiningnan ko naman kung sino na sa likod ko baka mamaya paluin na naman ako sa ulo. 'Di aso mas lalong hindi rin multo isang kabute! Kabuteng nakamaskara! Kung pagmamasdan mukang di ko ka schoolmate ko ang isang to pero Wala akong ideya na Kung Sino s'ya. Naka-mini skirt na pink na terno ng pink tie nya. Ano trip nito at naka-mask pa to?ano para Di ko sya makilala Ang baduy. Ay oo nga pala di ko s'ya kilala tss. "Stalker ba kita para sundan mo ko?" Nagtatago pa to sa likod ng poste kala mo naman di ko sya nakikita. Girl wag kang tanga kahit maliit ka nakikita oa rin kita. Lumabas na sya sa pinagtataguan nya todo kaway pa sa kin ang kabuteng pink. "Bakit mo ba kami sinusundan stalker ba kita?" Paguulit ko sa kanya. Napayuko na lang s'ya ano?! Napipi na?! "Oyy sino yan?" Lumapit sakin mga kulugo "Girlfriend mo pre?" Tanong ni Eros. Eww di ako pedophile para pumatol sa bata. "Nice ang sexy ng napili mo pre." sabay tingin sa'kin at ngumiti ng nakakaloko ang mga kulugo. Anong sexy dyan? Ang payat-payat at ang liit pa. "'Di ako minsan nagkagusto sa unano." tumawa naman ang mga mokong. Totoo naman e? Baka nga grade 5 palang to. "Umuwi ka na wag ka na sumunod sa amin. Baka hinahanap ka na ng magulang mo." Walang ganang sabi ko sa kabuteng pink. Wala s'yang imik "Pre masarap ba sya?" Dex whispher mahina pero tongono nomon alam ko mga iniisip ng mga to. Binigyan ko sila ng 'shut-up-look'. "Hi miss! Sama ka na sa amin" sigaw ng mga kulugo Tinulak ko na paalis ang mistersoyong kabute na to baka mapano na sya at kami pa sisihin. "Hindi pwede hinahanap na s'ya sa kanila" Sabay tinulak ko na yung kabote na sumusunod sa amin nadismaya naman ang mga kulugo. Nawala na rin sa paningin ko ang kabute. Tss sa'n naman kaya nagpunta yun? Ang weird mas weird pa sa weird. Bumalik na ulit kami sa paglalakad at pumasok na sa isang fast food chain umorder na sila Kerby at Aldian ng makakain namin at naghanap na kami ng mauupuan ni Rence. Nang makahanap na kami tinanong ko na si Rence at umupo na kami. "So ano sasabihin mo ? Babae na walang saplot ha?!" Ngumisi ako alam ko naman sasabihin niya malamang mamanyakin nya to "H-hindi yon" nauutal at pinapawisan pa to kala mo naka kita ng multo. "Ano nakita ka ng multo?" Sabay halakhak ko. Duwag pala 'to e "M-may nakita ka kasi akong may naghahalikan." Hihilahin ko dila nito. Wala ako maintindihan sa utal-utal na sabi nyam "E ano naman? Inggit ka? Edi try mo sa mga babae mo." Inirapan ko lang sya. Akala ko pa naman kung ano. "Y-yung ex-girlfriend mo ang nakita kong may kahalikan sya." Diretsahang sabi niya Sakin "Sino may kahalikan?" Medjo hirap na sabi ng kung sino. Mukhang 'di sya sanay mag-tagalog. "Yung dating girl—" napatingin kami ni Rence kung sino yung nagtanong and damn nakikinig pala to sa amin?! "Stalker ba kita para sundan at makinig ka sa usapan namin?!" Napatayo at na sigawan ko s'ya dahilan ng pag-si tinginan ng mga tao sakin. Nagpeace sign na lang ako sa kanila. Nakakahiya nagkakalat tuloy ako ng kahihiyan dito. Taena kasi nitong misteryosong kabuteng pink na nakamaskara na to bigla-bigla sumusulpot. Hinila ko siya paupo "Ano ba ginagawa mo rito ha?!" mahina pero diin na sabi ko. Sunod ng sunod gusto ba n'ya ng fan sign ko? Sorry Wala ako sa mood para sa fan club ko. Natulala lang s'ya sa kin at inalis n'ya ang ibabang bahagi ng maskara nya at hinalikan nya ako sa pisnge sabay karipas ng takbo paalis. Fuck ! p*****t Stalker bastos! Walang modo bigla-bigla nang hahalik?! Ginagayuma ko ba to?! O may sumapi na Kung ano sa kanya. Natatawa si Rence at tiningnan ko lang s'ya ng masama. Kinalimutan ko nalang ang nangyari. Namumula ako sa kahihiyan na nararamdaman ko. Dumating na sila Aldian at Kerby dala ang order namin. "Ano nangyari?" Tanong nila pero Di ko na lang sila pinansin nagkuwentuhan lang kami saglit at pagkatapos nag pasyahan na namin umuwi. Nakarating na rin ako sa bahay, nag bihis at natulog na naalala ko bakit kaya ako hinalikan ng nakamaskara na yun. Wala akong idea kung sino s'ya at wala akong panahon para alamin pa yun it's a waste of time. Di ko namamalayan na nakatulog na pala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD