Hawak ko ang basang twalya habang hinihintay na matanggal ni Dylan ang suot nyang tshirt. "Ok na Ry," maamong sabi nya sakin habang nakasandal paupo dito sa kama. Ayoko naman ipahalata sa kanya na naiilang ako sa pagtingin sa h***d nyang katawan, hindi ko lang basta titingnan ito kailangan ko ding hawakan dahil kailangan ko syang punasan. "Kaya mo yan Rylan, Go lang," pagkukumbinsi ko sa aking sarili. Unang kong pinunasan ang mukha nya, leeg tapos mga braso at kamay at ang huli ay katawan at likod. Sinusundan lang naman nya ng tingin ang lahat ng ginagawa ko. Hindi naman sya tumututol at nagrereklamo kaya naging mabilis ang trabaho ko. Nang matapos ko ng punasan ang buo nyang katawan pati binti at paa ay pinag takip ko muna sya ng kumot para hindi sya lamigin habang kumukuha ako ng

