"Ahnpmh!" Napasigaw ako ng magising dahil sa tubig na ibinuhos sa aking ulo. Habol ang hininga ko, kala ko ay malulunod ako dahil sa tubig. Mabilis kong inilibot ang aking mata sa paligid, madilim ito halos wala akong maaninag pero may isang ilaw sa tapat ng aking ng aking kinauupuan. Nanginginig ako sa lamig dahil sa pagkabasa ng aking sarili, ramdam ko rin ang sakit ng ibang parte ng aking katawan tulad na lang ng aking braso, sa tingin ko ay bali ito. Habang unti-unti kong na-aalala ang mga nangyari ay kasabay din noon ang malakas na pagkabog ng aking puso dahil sa kaba, noong dinukot ako ni leo noon ay di ako nakaramdam na may mangyayaring masama sakin di tulad ngayon. Kung sino man ang may gawa nito ay siguradong may malaking galit sakin, Pero wala naman akong kaaway o nakasamaa

