'Ang lamig ng tubig.' Pagsaw-saw ko ng aking kamay sa holy water at nag sign of the cross. Tapos na kasi ang misa at palabas na kami ng simbahan. "San na tayo pupunta Dylan?" "Supermarket maggo-grocery na tayo" sagot naman nya habang naglalakad papunta sa parking lot. "Supermarket? hindi sa palengke?" takang tanong ko sa kanya "Sa supermarket ako namimili, mas kumpleto kasi ang mga tinda dun at mas mabilis din hanapin" sagot naman nya ng maisuot na nya saakin ang seatbelt. Hindi pa rin kasi ako marunong. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa isang napakalaking establishmento ang daming tindahan at mga tao dito. Nakakatuwa pagmasdan. "Ang ganda naman dito Dylan." manghang sabi ko sa kanya habang iniikot ang aking paningin sa paligid. "Nasa MOA tayo" "MOA?" pangalan ba yun ni

