Pinilit kong inayos ang aking sarili bago sumakay ng jeep, pagkatapos kong maiabot ang aking bayad ay yumuko na lang ako para di makita ng mga kasakay ko sa jeep ang paga at namumula kong mata. Habang tahimik akong nakaupo ay biglang nagvibrate ang aking cellphone. "Rylan, nasan ka na kanina pa kitang hinihintay dito," sabi pa ni Mitch sa kabilang linya. "Ah pasensya na Mitch, biglang sumama ang pakiramdam ko kaya umuwi na ako." "Ganun ba, sya mag ingat ka sa pag-uwi ha, pagaling ka," malungkot pero may pag unawa na sabi pa nito. "Salamat Mitch." . . . . . Wala akong lakas ng katawan habang naglalakad ako papasok sa bahay, Wala din akong ganang kumain kaya dumeretso na lang ako sa aking kwarto para makapagbihis na. Nang maayos ko lahat ng aking mga gamit at malabhan ko na an

