Naging maayos na ang mga sumunod na araw sa aking buhay, nawala na ang kaba at takot sa aking dibdib. Mas napalapit na rin ako sa mga bago kong kaibigan, si lily at Leo. Si lily ay medyo mataray pero napakabait, ganun din naman ang kanyang nanay na si aling Mimi. Mula nga pala ng makilala ni Dylan si Lily ay pinayagan na rin nya akong pumunta at bumisita sa bahay nito, sabi pa ni Dylan ay mukhang mabait naman si lily at higit sa lahat ay kapatid pa nito ang kaibigan kong si Gab kaya ok lang daw na pumunta ako sa kanila pag naiinip ako dito sa bahay. Ang maganda pa niyan ay parehas din kami ng hilig ni lily, masaya kami kapag nakakapag bake. Kaya naman ng sabihin ko sa kanya na gumagawa ako ng mga dessert ay di na nya ako tinigilan para kulitin, gusto daw nyang matikman ang mga gawa ko, k

