CHAPTER 5

2166 Words
Hinihingal na nilapitan ni Andrea si Phoenix na nag-aabang sa labas ng jeep wrangler nito habang nakakrus ang mga braso. "What's taking you so long?" iritado nitong tanong nang tuluyan siyang makalapit. "I'm sorry. Hindi ko naman kasi alam kung saan ka hahanapin! Hindi rin alam ni Manang kung nasaan ka," aniya na hindi na rin naitago ang iritasyon. Hindi sumagot ang binata. Tahimik lang itong pumasok sa loob ng sasakyan at hinintay siya bago iyon pinasibad. Nagtaka si Andrea nang mapansing iba na ang dinadaanan nila. Hindi iyon ang dinaanan nila kanina. "Saan tayo pupunta?" aniya nang hindi na makatiis. "We're going to town," tipid nitong sagot. Kaagad na naalarma si Andrea nang maisip ang mga taong humahabol sa kaniya. Mukhang nabasa naman ng binata ang nasa isip niya. Itinabi nito sandali ang sasakyan at may kinuha sa backseat. Iniabot nito sa kaniya ang isang paper bag. "What's this?" nagtataka niyang tanong. "Just open it. You'll be needing them later," anito bago muling pinasibad ang sasakyan. Nagkibit-balikat si Andrea at tahimik na binuksan ang paper bag. Tumambad sa kaniya ang isang summer hat, floral face mask, at shades. "So, this is how I'm gonna hide myself." "Thanks. Hindi na siguro ako makikilala rito. Pero saan ba talaga tayo pupunta?" Bago pa man makasagot si Phoenix ay huminto na ang sinasakyan nila sa tapat ng isang dress shop. Naka-display sa harap niyon ang mga mannequin na nakasuot ng iba't ibang summer dress. "Wear them and follow me," utos nito at nauna nang bumaba. Sinundan naman niya ang binata nang maisuot ang proteksyon niya. Mangilan-ngilan lang ang tao sa loob ng shop pagpasok nila at pabor naman iyon sa kaniya. "Mamili ka ng mga damit na pwede mong gamitin sa trabaho mo. Don't mind the price. Ako ang magbabayad. I'll just wait you here," ani Phoenix at pasalampak na umupo sa couch sa waiting area. Tumango-tango naman siya. Kaagad siyang kumilos para kumuha ng basket na paglalagyan ng mga bibilhin niyang damit. Inuna niya ang paghahanap ng mga pangtrabaho niya. Patapos na sana siya nang madaanan niya ang mga naka-display na swimsuit. Perfect for summer outing. Wala sa sariling nilapitan niya ang mga iyon. Hindi na siguro malalaman ni Phoenix na may bibilhin siyang ganoon kaya kumuha siya ng isang pares ng stringed-bikini. "Done?" kunot-noong tanong ni Phoenix nang lumapit siya rito. "Yeah." Dinukot nito ang wallet at nag-abot sa kaniya ng five thousand peso bill. Nanlaki ang mga mata niya. Ni hindi pa nga yata aabot ng three thousand pesos ang pinamili niya. "Uhh... I think, this is too much. Wala pa yatang three thousand pesos 'yong pinamili ko," nahihiya niyang sabi. "Ipamili mo na lang 'yong sobra kung ganoon." Kaagad itong nag-iwas ng tingin nang kumislap ang mga mata niya sa tuwa. Ngayon lang naging ganoon kabait sa kaniya ang binata kaya sasamantalahin na niya ang pagkakataon. Kaagad siyang nagtungo sa counter para ipa-compute kung magkano na ang mga pinamili niya. "2, 538 pesos po, ma'am." Nagdiwang ang kalooban niya sa narinig. "Ah, miss, pwedeng iwan ko muna 'to rito? May idadagdag pa ako," aniya at malapad na ngumiti nang pumayag ang kahera. Nagdala siya ng panibagong basket na paglalagyan ng mga damit. Binalikan niya ang mga nilampasan niya kanina na sa tingin niya ay hindi naman niya magagamit sa trabaho. She needs some fashion touch as well. Pakiramdam kasi niya ay sanay na sanay na siya sa ganoon. Siguro ay hilig na talaga niya ang pagsha-shopping noong hindi pa nawawala ang memorya niya. Ang nakakatuwa pa, magaganda pa rin ang tela ng mga damit kahit mura lang ang mga iyon. Hindi na namalayan ni Andrea na nalibang na pala siya pamimili. Halos isang oras din siyang nagsukat ng mga damit doon. "I'm—" Natigilan siya nang makita si Phoenix na nakaidlip na sa couch. Dali-dali siyang lumapit sa cashier para bayaran ang mga pinamili niya. Mabuti na lang at nagkasya ang hawak niyang pera. Nang makuha ang mga pinamili ay marahan siyang naglakad papalapit kay Phoenix sa takot na magising niya ito. Tahimik siyang umupo sa katapat nitong couch. She doesn't have the heart to wake him up. Bakas sa mukha nito ang pagod kaya hinayaan na lang muna niya itong magpahinga. This guy always had a striking look, kahit noong unang beses niya itong makita. Napalunok siya nang mapagmasdan ang dibdib nitong bumabakat sa suot nitong gray shirt. His tailored white chinos hugged his powerful thighs emphasizing his strong built and height. Kahit nakaupo ay mukha pa rin itong matangkad. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang magising ito. Kaagad kumunot ang noo nito nang makita siyang nakaupo roon. "Kanina ka pa ba? Why didn't you wake me up?" tanong nito at kaagad na tumayo. Tumayo na rin siya mula sa inuupuan at sumunod na sa binata nang dumiretso na ito palabas. "Bye, ma'am! Thank you," anang kahera bago pa siya tuluyang makalabas. Kinawayan na lang niya ito dahil kahit ngumiti siya ay hindi naman nito makikita dahil sa suot niyang face mask. Parang batang sabik na sabik na inilabas ni Andrea lahat ng mga pinamili niya para malabhan bago isuot kinabukasan ang kaniyang working clothes. Inilagay niya sa laundry basket ang mga iyon kasama ang iba pa niyang maruruming damit. "Manang, saan po ang laundry area rito? Maglalaba po sana ako nitong mga marurumi kong damit," aniya sa matandang katiwala. "Halika at sasamahan na kita. Ikaw ba, e, marunong maglaba?" tanong nito habang naglalakad sila patungong back door. Bigla siyang napangiwi sa sinabi ng matanda. "Ahm... magpapaturo na rin po sana ako kung hindi po ako makakaabala sa inyo, Manang." Mahinang tumawa ang matanda. "Naku! Akala ko naman, e, marunong ka't nagpresinta ka pang maglaba. Kung tutuusin nga'y kahit ako na lang ang maglaba ng mga iyan pero bilin naman ni Phoenix na turuan ka sa mga gawain dito." "Naku, ayos lang po 'yon! Saka nandito naman po talaga ako para magtrabaho. Salamat po, Manang." Magaan ang loob niya sa matanda kaya komportable siyang makipag-usap dito. Gaya nga ng nais niyang mangyari, tinuruan siya nito kung paano gamitin ang washing machine na naroon at itinuro na rin sa kaniya kung paano ang tamang pagsasampay. Bagama't nakakapagod ay masaya pa rin siya sa natutunan niya. Papalubog na ang araw nang matapos siya sa paglalaba. Hindi maialis ni Phoenix ang mga mata kay Andrea habang nagsasampay ng mga damit nito. She looked impatient while trying to hang the clothes one by one. Bakas na rin ang pagod sa mukha nito. Palibhasa ay hindi ito sanay sa gawaing bahay dahil ibang tao ang gumagawa ng mga iyon para sa dalaga. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa nang mag-ring iyon. "Yes, Jake? Any news?" "I got something about her," simula ng pinsan niya. Tanging ito lamang ang taong kaya niyang pagkatiwalaan at hingan ng tulong tungkol kay Andrea. "Okay, what is it?" Tumalikod siya at sumandal sa railings ng veranda habang nakikipag-usap kay Jake. "Well, mukhang gusto ni Daez na gawing pambayad-utang ni Miranda si Andrea. Naka-set na ang wedding nang ma-kidnap nila si Andrea bago napadpad sa lugar mo. Tadhana nga naman." "She's safer here for now. I let her work in the farm so helping her wouldn't be obvious," aniya. Mahinang tumawa si Jake sa kabilang linya. "Ayaw mong mahalata niya na may puso ka rin pala sa katulad niya?" "Drop it, Jake. It's not like that. Nandito siya sa poder ko and if something happens to her, she's my responsibility," depensa naman niya. "Fine. She's YOUR responsibility." Naiiling na pinatay niya ang tawag matapos magpaalam ni Jake. He doesn't want to show his kindness to this woman who has almost ruined his career. It was not about the shameful accusations to him but his freaking integrity. She must learn her lessons even she lost her memory about the past. He had never broken his rules for any girl before, but, Julia was different. She changed him. She became his weakness. Until 'that' night happened between him and Andrea. The young teenage girl rocking him on the bed. He'd never forget that night. Napalunok siya nang muling dumako ang kaniyang paningin kay Andrea na nakayuko habang kinukuha sa basket ang damit na isasampay. The line between her twin peaks sneaked as she arched her back. Sweat trickled down his face as he gripped his phone in his hand. What the hell he was thinking? "Damn it." Iritado siyang umalis sa pwesto at dinampot ang susi ng kaniyang range rover sa ibabaw ng coffee table. He has to erase his thoughts and stop himself remembering what happened that night. It will give him no good. He drove his way home at two in the morning. Mas pinili niyang dumaan sa backdoor dahil mas malapit doon ang garahe. He still managed to park his car even though he's slightly drunk. Napapikit siya nang makaramdam ng hilo habang binubuksan ang pinto. Bahagya niya iyong naitulak at lumikha ng ingay sa kusina. He opened the fridge and grab a bottle of water. Nang maubos ang una ay kumuha pa siya ng isa. He let out a loud burp after finishing three bottles. He was heading to his room when the lights suddenly turned on, blinding him as he crumpled to the floor in pain. "What the f*ck did you do?" sigaw niya habang iniinda pa rin ang sakit. Andrea was there, holding a baseball bat in her hands. "Oh My God! I'm so sorry! Hindi ko a-alam. A-Akala ko kasi may magnanakaw kaya—" "Can you f*cking hear yourself, Andi? This is my house and you're now accusing me a thief? Really, huh?" Napaatras si Andrea nang tumayo siya at malalaki ang hakbang na nilapitan ito. He pressed both of his hands, settling her, on the wall behind her. She looked pale and nervous. "If you didn't put that bat down, I swear, you wouldn't like what I will do to you," bulong niya sa punong-tainga ng dalaga. He lift his left foot when the bat fell down the floor. "I-I'm really sorry, P-Phoenix, I-I really thought—" "Go back to your room, now!" sigaw niya at nagmamadali itong umalis sa pagitan ng mga braso niyang nakatukod pa rin sa pader. KINABUKASAN, sinadya ni Andrea na gumising nang maaga para hindi siya maabutan ni Phoenix sa pag-aagahan. Nagtimpla lang siya ng kape at nag-toast ng sliced bread. "Hindi ka ba kakain ng almusal mamaya, hija? Baka gutumin ka mamaya kung iyan lang ang kakainin mo. Marami kang lilinisin sa likod," ani Manang Susan habang humihigop siya ng kape. "Huwag n'yo na po akong alalahanin. Okay lang po ito. Hindi naman po ako magugutumin, manang," magalang niyang sagot sa matanda. Tumango-tango lang naman ito habang nagpapatuloy sa pagluluto. Gustuhin man niyang matikman ang niluluto nitong fried rice at bacon ay mas pipiliin pa rin niyang umiwas kay Phoenix matapos ang nangyari kagabi. Hindi niya alam kung may mukha pa siyang ihaharap dito. Sigurado siyang napalakas ang pagpalo niya rito kagabi at malamang, mas mararamdam nito ang sakit ngayong umaga. "A-Ah, manang..." Nag-alangan siya kung sasabihin ba niya rito ang nangyari o hahayaan na lang niya. "Ano iyon, hija? May kailangan ka pa ba?" "M-May sasabihin po sana—" "Manang?" Nanlaki ang mga mata ni Andrea nang marinig ang boses ni Phoenix. "Mamaya na lang po pala, manang! Mauna na po ako!" aniya at nagmamadaling lumabas ng kusina. Hawak pa niya ang dibdib nang makarating sa fence ng mga manok. Naturuan na siya kahapon ni Nicko kaya alam na niya kung paano iyon gagawin. Kumuha siya ng patuka ng manok at inilagay sa maliit na timba. "Krrrkya!" Napangiwi siya nang marinig ang sarili. She was just trying to immitate Nicko's way of calling these chickens. Nagulat siya nang magsilapit ang mga ito. Napaatras siya sa takot na susugurin siya ng mga ito ngunit kaagad din siyang huminto nang magkumpulan ang mga ito sa patukang isinabog niya sa lupa. "Yeah, that's good! I will always feed you but please don't come near me!" aniya habang pinagmamasdan ang mga manok na nag-aagawan sa pagkain. Nang matapos siya roon ay nilinis naman niya ang dumi ng mga baka. Kaibahan nga lamang ay siya na rin mismo ang nag-spray ng tubig para umagos ang dumi palabas ng fence. Mamaya raw ay pakakawalan ulit ang mga iyon. Mas maaga siyang natapos sa trabaho niya ngayon kumpara kahapon kaya natulungan pa niya si Manang Susan sa paghahanda ng lulutuing pananghalian. "Maiba nga ako, hija, baka gusto mong sumama sa akin mamaya sa gulayan? Wala na kasing stock dito kaya kukuha na ako. Paborito pa naman ni Phoenix ang kalabasa," ani Manang Susan habang isinasalin sa bowl ang nilutong ulam. "Sige po! Gusto ko rin po kasing makapaglibot-libot dito," pagpayag niya agad sa alok ng matanda. Sa ganoong paraan, hindi na siya mahihirapang iwasan pa si Phoenix. "Oh, s'ya sige, tawagin muna si Phoenix at nakahanda na itong pananghalian," utos nito sa kaniya. Saglit naman siyang natigilan bago sumunod sa inuutos ng matandang katiwala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD