Nagkabasag-basag lahat ng mga gamit ni Nathaniel nang makarating sa kaniya ang balitang kasal na si Andrea kay Phoenix. "She can't be married with that as*hole! She's mine! She's mine!" "Stop acting stupid, Nathaniel! Marami pang babae d'yan na pwede mong pakasalan. Hindi mo na kailangan pang maghabol sa anak ni Miranda. Sasabit lang tayo. Alam mo naman kapag nasa showbiz. Konting kibot, nakasunod kaagad ang media," sabi naman ng kaniyang ama. He gritted his teeth. "No, dad! Babawiin ko si Andrea. Siya ang gusto ko, dad!" Naiiling siyang iniwan ng kaniyang ama roon. Nakakuyom pa rin ang kaniyang kamao habang nag-iisip ng plano kung paano mababawi ang kaisa-isang babaeng nagustuhan niya mula kay Phoenix Imperial. SAMANTALA, hindi naman matinag si Andrea habang pinagmamasdan ang nakasar

