Hindi na namalayan ni Andrea na kanina pa pala tumutulo ang luha niya. Nakapuwesto siya sa pandalawahang table sa loob ng club na iyon. Tinawagan niya si Nathalia para magpasama pero naka-duty pa raw ito at susunod na lang sa kaniya. Napakunot ang noo niya nang matanaw ang pamilyar na grupo sa kabilang table. Hindi niya iyon napansin kanina dahil abala siya sa pakikipag-chat kay Nathalia. Naroon sina Kristel at Samantha, kasama ang ilang kilalang personalidad sa showbiz. Nakita niyang agad inabutan ng isang lalaki ng shot glass si Kristel. Sa kulay pa lang ng laman no'n ay alam na niyang Bacardi iyon. Ch-in-eer ito ng mga kasama at mas lalong lumakas ang sigawan nang ubusin ni Kristel ang laman no'n. She rolled her eyes bago inisang lagok ang laman ng wine glass niya. Simula kasi nang u

