Malalim na ang tulog ni Phoenix pero gising na gising pa rin si Andrea. She sighed and slowly get up from bed. Nagpasya siyang lumabas muna sa may veranda para makapag-isip isip. Hindi kasi mawala-wala sa isip niya ang pagkikita nila ni Julia sa jail. She knew it wasn't just a coincidence. What was she doing there? Sa pagkakaalam niya, wala namang ibang kamag-anak dito si Julia sa Pilipinas. Si Phoenix na rin mismo ang nagsabing nag-migrate na ang mga ito. At si Phoenix, kahit napatawad na niya ito sa paglilihim sa kaniya na alam na nitong buhay si Julia ay hindi pa rin natatapos ang pagdududa niya. Kinuha niya ang kaniyang cellphone para i-message si Jake. Can we meet tomorrow? I just have some things to discuss with you. Makaraan ang ilang minuto ay nag-reply agad ito. Sure. I

