Hindi akalain ni Andrea na aabutin pa ng ilang buwan ang pananatili niya dahil sa dami ng kailangan niyang tapusin. Gayunpaman, mahigpit pa rin ang bilin ng kaniyang ama na huwag masyadong magpakasubsob sa trabaho dahil sa pagbubuntis niya. Hindi rin naman nagkulang sa paalala ni Nathalia at regular pa rin ang check-up niya. Madalas tumatawag si Phoenix para kumustahin siya. Bago siya matulog ay nakikipag-video call pa ito sa kaniya para lang makipagkuwentuhan sa kaniya. Halos lahat na lang yata ng ganap sa trabaho nito ay naikuwento na sa kaniya. "Love, parang tumataba ka?" puna ni Phoenix nang muli itong tumawag sa kaniya. Natigilan naman siya sa sinabi nito at hindi maiwasang mamula ang kaniyang mukha. Hindi dahil sa hiya kundi dahil sa kaba. Hindi ito pwedeng makahalata sa sorpresang

