Ang safe house ay isang maliit na condo unit sa isang middle-class na subdivision—hindi kayamanan, hindi karangyaan. Pero para kay Jayden, ang apat na sulok na ito ay parang isang katedral sa gabi ng kanilang kasal, nang ipangako niya sa harap ng Diyos at ng mga tao na ang kanyang buhay, kayamanan, at pangalan ay magiging sandigan ng babae na kanyang mahal. Nakatayo siya sa kusina, hinahanda ang kape para sa lahat. Ang sugat sa kanyang balikat ay masakit sa bawat galaw, pero ang sakit sa kanyang puso ay mas matindi. Nakatingin siya kay Jessica, na nakaupo sa sofa, tahimik na pinapanood ang balita sa TV tungkol sa pagkakadakip kina Eduardo at Celeste. Ang kanyang mga kamay ay nakakapit sa tuhod, ang mga kuko ay halos lumubog sa laman. SHE WON'T BEG AGAIN. Hindi lamang ito isang panata ni

