SA HULING ARAW namin sa Batanes ay tumulak kami patungong Sabtang. Halos alas tres palang ng madaling araw ay gumising na kami. Mas maganda raw kasi kapag nandoon na kami bago pa lumitaw ang araw. Since we're going to Morong beach, we were told to go early, kung kailan mas kalmado ang tubig. Dumating rin iyong boyfriend ni Xash kahapon pagkauwi sa Hometel. My first time actually seeing him in person. Hindi ko siya nakausap pero mukha naman itong mabait. May dala ring mga pagkain kaya naman mabilis itong nakasundo nila Bleu at Calithea. There were no cottage here. Islang-isla ang dating pero may bayad na entrance fee. Ang sabi kanina noong staff ay may malapit raw na kainan dito, in case na wala kaming dalang pagkain. Xash's boyfriend brought snacks and drinks pero walang kanin at ulam.

