Kabanata 7

2113 Words
LAST night was the first time I ever got to live in a single roof with Priston. Even when we were together, we've never really tried living in. I was prude and he knows it. We never did much more than kissing. Palaging hanggang doon lang. He knew I'll be angry as hell if he tries to do anything wrong. But what is wrong with me? Why am I even thinking about that.. in this early. Why am I bothered and why am I reminiscing? Bumuga ako ng hangin at inalis ang kumot na nakabalot sa akin. I went straight to the bathroom, brushed my teeth and fix myself. When I woke up it's only 7:20 am. Wala naman akong gagawin ngayon, tanging sa studio lang ang punta ko. It's almost the end of the month. Dalawang araw nalang ay nobyembre na, susunod ang disyembre. Hindi ko inakalang sa ganitong paraan pala matatapos ang taon na 'to. This year is rather surprising. Lumabas ako ng bathroom suot ang roba na na nakita ko sa closet sa kwarto na tinulugan ko. There were dresses too but they look untouched. Iyong iba ay may tag price pa. Perhaps this room was for her sister.. since the color was pastel. I realized that just now. Ganoon rin iyong mga kulay ng damit at robe. That explains why this room looks pretty decent. I dried my hair before I went out. I wore the one piece tanktop I received from Nieoni, paired it with ripped jeans and nike shoes. Wearing tanktops isn't actually my style.. but I like one piece, and it wouldn't hurt to try one. Ibinaba ko ang maliit na bag ko sa kitchen sink at nagtimpla ng kape. Siguro'y twenty-five to thirty minutes ang byahe mula rito hanggang studio. Hindi naman ako puwedeng magpasundo dahil lahat sila ngayon ay busy sa school activities nila. I guess I'll be alone at the studio. "You're early." Maingat kong hinalo ang kape bago tumalikod at umupo sa isang stool. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglapit nito, mukhang bagong gising. "Saan ang punta mo?" "None of your business." Humigop ako sa mug na hawak. Mainit pa iyon kaya't hindi ko mainom ng diretso. Ito naman ay umikot saka nagtungong ref para kumuha ng tubig. Nasa harap ko na siya ngayon. He's wearing a plain white t-shirt and a denim short. His hair was a little disheveled. "What do you want to eat?" tanong nito bago inumin iyong tubig na nasa baso. Hindi ko siya tinignan. "Pagkaubos nito, aalis na rin ako." "Ihahatid kita." He insisted. Hindi ako sumagot at nilagok iyong natira sa mug 'saka tumayo. I held my bag and turned around without sparing him a look. I went out of his unit. Apparently his unit is in 26th floor. 26th.. Wait! Ibig sabihin.. binuhat niya ako mula sa kotse hanggang sa unit niya? Ganoon kahimbing ang tulog ko? What the f**k, nakakahiya! Gamit ang dalawang kamay ko ay napatakip ako sa mukha ko. Mabuti nalang at ako lang mag-isa sa elevator. Pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko. Ilang segundo rin bago ako nakabawi. I saw my face at the reflection when I tried to compose myself. I looked flustered. Napahinga ako nang malalim. Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko sabay nagbaba ng tingin. I deeply inhaled and caress my forehead. Napakagat ako sa ibabang labi. Pati ang mga paa ko ay hindi mapakali. Pero ano naman ngayon kung binuhat niya ako mula sa kotse hanggang sa unit niya? He could've wake me up! It was his choice! Nang tumunog ang elevator ay unti-unting bumukas ang pinto. Mabilis akong naglakad paalis ng lobby. I knew I look troubled when I walked down. Pagkalabas ay agad akong pumara ng taxi para pumunta sa studio. Hindi pa pala namin napag-uusapan nang mabuti ni Priston ang tungkol sa pagtuloy ko sa unit niya. Do I need to pay for rent? For my food? Pero wala naman itong binabanggit, plano ba nitong sarilihin lahat ng bayarin? Hindi ako tatanggi, kung ganoon. In the first place, he was the one who insisted that we should live together. Sa ganoong paraan, hindi ko na kailangang hatiin ang kita ko. That will be beneficial to me. Sa malayo ang tanaw ko habang nasa loob ng taxi. I was thinking about a lot of things. Halo-halo. Hindi ko na namalayan ang layo nang narating namin at kung ilang minuto naba akong nasa byahe. Kung hindi pa tawagin ng driver ang atensyon ko ay hindi ko mamalayang nakababa na pala ako. Bumaba ako ng taxi nang hindi inaalis ang earphone sa tenga ko. I pick out the keys on my bag. Sarado ang studio ngayon dahil walang tao roon. Siguro'y maglilinis nalang muna ako, pampalipas oras na rin. Pagkapasok sa sliding door ay ibinaba ko kaagad ang bag sa mahabang sofa. I went to the right side to turn the light. Iyong maliit sa taas mg mga instruments. 'Yung gitara ko ay nakita ko pang nakasandal sa drumset ni Calithea. Xash must've brought it here. Sa tanda ko kasi kahapon ay iniwan ko ito sa dressing room. Una kong nilinis iyong nag-iisang kwarto. Doon ako natutulog noong dito pa ako nakatira. Isa lang ang kwarto pero lima ang higaan, para sa aming magbabanda. In case we're wasted and we have nowhere to go. Nieoni suggested that idea. Sunod akong nagtungo sa dressing room. Parang isang buwan nang hindi nalilinis sa sobrang daming kalat. May mga lamukos na papel, gamit naballpen, magkakahalo rin ang mga damit. Napabuntong hininga ako habang pinupulot iyong mga damit. Sa kabilang kamay ko naman ay ang basket na lalagyanan ng maruruming damit. Binukas ko ang malaking cabinet doon at inalis ang mga damit para i-ayos 'yon. Kumuha ako ng hanger para isabit ang mga dress at itinupi isa-isa 'yung mga t-shirt. There were five cabinets, pero sa'kin lang 'yung inayos ko. Kumuha ako ng walis at pagkatapos ay naglampaso. Tumutulo pa ang pawis ko nang makalabas ng kwarto. It's been a while since I did a general cleaning. I put my left hand on my right shoulder and rotate my arm. Pati ang living room ay winalis at nilampaso ko. Bigla ay napagtanto ko kung gaano kalaki ang studio. No wonder it takes us years before we managed to built this establishment. Malaki rin ang ginastos namin dito, pero kalahati sa bayarin ay kay Nieoni. She was actually the one with the idea. She was the one who wanted a studio for RAVEN. At first, we thought it was impossible. Pero ngayon ay may sasakyan na rin kami. We all took a part time job, noong hindi pa ako nagpapatayo ng shop ay dito napupunta ang allowance at sahod ko sa mga raket. We've come this far it's already implausible to stop. I sat down on the single sofa ang rested my head on its back. Hawak ko parin sa kabilang kamay ang walis tambo. I feel hot. Kanina pa tumutulo ang pawis ko. I nonchalanty stood up and plugged in the electricfan. Itinapat ko iyon sa akin bago bumalik sa pag-upo. Nanatili ako sa ganoong posisyon hanggang sa naramdaman kong unti-unti nang natutuyo ang pawis ko. I was really thinking about moving 'til I heard my phone rang. Buti nalang ay nasa lamesa lang iyon sa tapat ko. It was Papa Bear. My brows met in irritation. I should've erased his contact name yesterday. "Ano?" "Good afternoon." He chuckled. "You sound grumpy." "May sasabihin ka?" "Let's eat lunch." Tumirik ang mata ko. Ang kulit! "I'm busy." "Uhuh. I'm infront of your studio." Doon ako napaayos ng upo. Agad akong naplingon sa labas ng sliding door. A gasped came out from my mouth without a consent. Mabilis akong tumayo para lumabas sa sliding door. Hinila ko ang kurtina para magmukhang sarado iyon. Halos patakbo ang lakad ko habang nakadikit ang cellphone sa kabilang tenga. I can feel him smiling on the other line. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. What the hell is he doing here? Nang makaraan sa eskinita ay nakita ko na nga ang itim na sasakyan nito. He was standing beside the door, wearing faded jeans and a stripe polo. Puting puti rin ang sapatos nito. He look like a teenager with his get up. Nagtaas ako ng kilay nang magsalubong ang titig namin. I dropped the call and tightened my grip at my phone. A smirk was carved in his lips. Lumingon muna ito sa kanan bago naglakad papalapit sa akin. The sunray highlighted the color of his eyes. Ang natural na bagsak na buhok nito ay kumintab sa liwanag ng araw. He blinked and I couldn't understand how suddenly the time went.. slow. He flashed a smile and put his other hand on his pocket. Nag-iwas ako ng tingin at lumayo. Ang lapit niya, sinong nagsabi sakanya na pupwede niya na akong dikitan ano mang oras niyang gustuhin? "You look tired, what did you do?" Wala sa sariling pinunasan ko ang noo ko gamit ang braso ko, wala namang pawis roon. Do I look haggard? "Anong ginagawa mo rito?" "I'm picking you up." "Sorry to disappoint you. I am not—" "My treat." I raised a brow. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok ko na tumatama sa mata ko at ipinasok ang cellphone sa bulsa sa likod ng jeans na suot ko. He can't possibly think I'll fell for that. "Go away. Mahal ang oras ko." It wasn't my intention to say that in a challenging way. Pumito ito bago nagbaba ng tingin sa suot ko. "Sexy, magkano ba ang oras mo?" I let out a grim expression. "One thousand every ten minutes." Ngumisi ito at tumalikod. He pushed the button on his car key and opened the door on the passenger seat. "Then get in." I saw that one coming. Pinanliitan ko ito ng mata bago sumunod sakanya. I entered the car and pulled out my phone from my pocket. I swiped right to find my timer app. Nagset ako ng vibration every ten minutes. Alam kong nakita niya iyon pagkapasok niya. I saw him smile on my peripheral vision. He started the engine and drove straight. Habang nasa byahe ay tahimik lang kami pareho. Hindi ko siya natanong kung saan kami kakain pero palagay ko isa 'yon sa restaurant sa Taguig. Nasa BGC na kami. Does he have anything in mind? Bumagal lamang ang takbo nito nang makarating kami sa Mc Kinley road corner 5th avenue. He parked the car and took off his seatbelt before he went out. Umikot pa ito para pagbuksan ako ng pinto. I strangely look at him when he handed his palm. Hindi ko iyon kinuha at nagpatinuna papasok sa fairways tower. Patakbo itong sumunod sa akin. Nang mamali pa ako ng direksyon ay humawak ito sa balikat ko para hilahin ako. He look excited. We entered the Bar Pintxos. Nang pumasok doon ay ginreet agad siya noong lalaki sa harap. All of the staffs seems to recognize him, too. "Good afternoon Sir, the reports are in your office. Magccheck po kayo sa kitchen?" Priston shook his head before he put his arm around my shoulders. "No, I'm going to eat with my girlfriend." Ilang beses akong napakurap. Girlfriend? The guy looked pretty shocked too. Ilang beses pa itong napakurap bago ulit nagsalita. "This way po, Sir." Hindi ako nakapagsalita. May ilang costumer pa na pumasok pero wala namang lumapit para i-assist ang mga ito. Priston was treated differently. Iyong lalaki na nag-guide samin sa table ang siya ring kumuha ng order namin. "You own this?" I asked, inwardly realizing that thought myself. "You look surprise.." Puna nito. "I told you before that I will franchise a restaurant, right?" Hindi ako nakapagsalita. I do remember that. Sinabi niya nga sa 'kin na magfafranchise siya ng restaurant.. but that was before.. 'nung kami pa. Nag-iwas ako ng tingin at humugot ng malalim na buntong hininga. I can feel his stares as I roam my eyes around, trying to act casually. Pakiramdam ko tuloy may nakabara sa lalamunan ko. I didn't like how he sounded. "I fulfilled it." Mahina lang ang boses nito. I almost held my breathe. "Our plan. We talked about it, right? That I will open a business and you will invest." Nanigas ang panga ko. I stood up from my seat, gumawa ng tunog ang upuan ko nang aksidente ko iyong maurungan. I licked my lower lip. Magsasalita na sana ako nang naramdaman kong magvibrate ang cellphone ko. I couldn't breathe properly. "T..that's four thousand."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD