ANG AKALA ko ay tatalikod si Priston pero hindi. Instead, he walked towards me. His face was stoic. Malalaki ang hakbang nito na para bang nagmamadali. My lips pursed as I held tighter to the plastic bag I was holding. Muling nagparamdam ang malamig na hangin. I was so close hugging myself, kung hindi lang dahil sa maanghang na titig ni Priston. Nang tuluyang makalapit ay hinila niya ang braso ko palapit sakanya. Tumama pa ang ulo ko sa matigas na braso nito. He was holding me with force. Galit nga. "Pwede na bang bawiin ang girlfriend ko?" he said, note the sarcasm. I suddenly regret why I let him bring me here. Sana pala ay nag-commute nalang ako pauwi. Bumuga ako ng hangin at hinila ang braso ni Priston pero wala sa akin ang atensyon nito kung hindi nakay Rylle. "Hinatid ko lang. M

