"HINDI ganyan." Tumagilid ako para tignan si Priston na ngayon ay mapanuring nakatingin sa akin. Humalukipkip ito at umiling. Hindi parin lumalapit para mag-abot ng tulong. "Ikaw na kasi rito, magtatagal lang tayo." "Hindi pwede. Tita Mari told me you should do it." Inirapan ko siya at muling hinawakan iyong kutsilyo. Kanina ay hinugasan ko na itong patatas at binalatan. Good thing we have peeler, kung wala ay baka mas lalo akong magtagal sa patatas palang. Hiniwa ko ang pisngi ng patatas sa gitna at pagkatapos ay ipinahiga iyon para muling hatiin. Four slices in every cut. Hindi ko narinig na nagsalita si Priston kaya nagpatuloy ako sa ginagawa. Iyong ginawa ko kanina ay dalawang beses ang liit kaysa ngayon. Pero hindi naman namin pupwedeng itapon iyon kaya't sabi ni Priston ay isab

