PRISTON'S voice thundered. His eyes were blazing fire. Hinila nito ang necktie sa leeg at dinaluhan si Riot na nakahiga sa semento. He pulled him up through his collar. Tumawa ito sabay punas sa labi. He sniffed his wrist and wiped the side of his lips. "You dare punching me on my own house." Kahit hawak na siya ni Priston sa damit ay mayabang parin ang boses niya. "Sino ka? Hindi ka imbitado." Malamig na ngumisi si Priston sabay suntok ulit sa mukha nito. Parang nalulusaw ang mga binti ko. Sinubukan kong tawagin ang pangalan nito pero walang boses ang lumalabas mula sa mga labi ko. My lips quivered. Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko rin mai-hakbang ang mga paa ko. "P-priston.." "You dare screwing with my girlfriend." Priston's voice was thick. Parang nagpipigil. "You won't ge

