Rizza's Pov
NANDITO lang ako sa sulok ng bahay ng lalaking gwapo at hindi ako gumagalaw. Wala kasi siya dito at hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Natatakot naman din ako gumalaw dito at baka mapagalitan niya ako.
Panay ang tingin ko sa paligid at baka makita ko ang lalaki. Hindi ko naman alam ang pangalan niya para sana sambitin ko.
Isinandal ko nalang ang likod ko sa puting pader saka bumuntong hininga. Hinawakan ko ang tiyan ko ng bigla 'tong kumulo. Kagabi pa kasi ang huli kong kain kaya gutom na gutom na ako. Nahihiya akong magsabi sa lalaki. Kaya kahit tubig nalang siguro ay ayos na sa 'kin. Sanay naman din ako na sa t'wing nagugutom ako ay tubig lang ang iniinom ko lalo na kapag pinaparusahan ako ni papa. Kinukulong kasi niya ako sa loob ng kwarto at uutusan niya si manang na wag akong bigyan ng pagkain.
"Anong ginagawa mo diyan?"
Bigla akong nagulat ng marinig ko ang boses na yun. Tumingin ako sa unahan at nakita ang lalaking hinihintay ko kanina pa. Tulad kanina ay ang dalawa niyang makakapal na kilay ay magkasalubong na naman. Para bang laging galit.
Hindi ako sumagot sa tanong niya dahil nakita naman niya siguro na nakatayo ako dito. Wala naman akong ginagawa kundi nakatayo lang. Magulo pala 'tong lalaking 'to eh.
"Bakit hindi ka sumasagot?" Tanong niya ulit sa 'kin.
"Ahm.. kasi po.. nakatayo lang naman po ako. Natatakot po kasi ako umupo do'n.." saad ko sabay tinuro ang mga upuan na alam ko malalambot. "Baka po kasi bawal po ako umupo do'n. Dito nalang po ako." Dagdag kong sabi sa lalaki.
"Umupo ka do'n. Para kang mannequin sa ginagawa mo diyan." Sabi niya sa 'kin kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko. Hindi ko kasi alam kung anong mannequin. Gusto ko sanang tanungin kong anong ibig sabihin no'n.
Hindi parin ako gumalaw at nakatitig lang ako sa lalaki. "Ano pang ginagawa mo? lumapit ka na sa upuan." Sabi niya na para bang inuutusan ako.
Dali-dali naman akong naglakad papunta sa mahabang upuan at umupo do'n. Nakaupo ako ng tuwid at takot na takot akong gumalaw. Nakasanayan ko kasi yun kapag nasa harap ko si papa. Nakaupo ako ng tuwid at hindi gumagalaw at baka mapagalitan na naman niya ako.
Kumunot ang noo ng lalaki habang nakatitig siya sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit ganun siya pero hindi ko nalang pinansin dahil lagi naman naka kunot ang noo niya sa 'kin o di kaya ay magkasalubong ang kilay.
Napasunod ang tingin ko sakanya ng lumapit siya sa 'kin at umupo sa tabi ko. May dala siya na parang lagi kong nakikita kay manang kapag may sugat ako.
"Gagamutin ko lang muna ang mga sugat mo," sabi niya saka humawak sa braso ko. Hindi na ako nakasagot pa dahil agad niyang inilapat ang hawak niya na parang malambot na kulay puti. Pinapanood ko lang siya kung anong ginagawa niya at napapangiwi ako lalo na kapag ang natatamaan niya ay ang sugat ko na mga bago lang. Nasabit yata ako sa sanga nong tumatakbo ako para hindi ako mahabol ni papa. Hindi ko lang namalayan dahil sakaka madali ko.
"Lagi ka bang sinasaktan?" Biglang tanong ng lalaki sa 'kin na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung anong pangalan niya.
Tumango naman ako bilang tugon. ''Palagi naman po akong sinasaktan ng ama ko kaya sanay na po ang katawan ko," sagot ko kaya napatingin siya sa 'kin.
"Ama mo? Bakit ka naman niya sasaktan?" Tanong niya sa 'kin. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil nahihiya akong magsabi sakanya.
"Nevermind!" Sabi ng lalaki kaya tumitig ako sakanya.
"Ano po yung nevermind?" Tanong ko dahil hindi ko kasi maintindihan. "Yung mannequin din po kanina na sabi mo.. ano din po yun?" Tanong ko kaya napatigil siya sa ginagawa niya. Nakatitig lang siya sa 'kin na para bang wala akong ulo. Hindi ko tuloy maiwasan kapain ang ulo ko kung meron pa ba.
"Seryoso ka ba talaga? Paanong hindi mo alam ang mga salitang yun?" Tanong niya sa 'kin.
Nahihiya naman akong yumuko at hindi alam ang isasagot. Gusto ko talagang sisihin ang ama ko dahil sa ginawa niya akong walang alam. Hindi ko mapigilan malungkot sa buhay ko. Kung hindi pa kay manang ay baka pangalan ko ay hindi ko din alam kung paano bigkasin. Alam ko naman na marami pa akong kailangan matutunan.
"Pasensya na po.. hindi po kasi ako nakapag aral tulad ng sabi palagi sa 'kin ni manang. Siya lang po kasi ang nagturo sa 'kin pati na din po ang magbilang. Pero marunong naman po ako magbilang 1-50. Nasasabi ko na din po ang alphabeto. Pero hanggang do'n lang po ang alam ko. Sa mga ibang bagay po ay wala.. kaya pag pasensyahan mo po ako kapag hindi ko po maintindihan ang mga sinasabi mo. Kulang po talaga ang kaalaman ko." Panghihingi ko ng tawad sakanya. Nahihiya talaga ako pero wala naman akong magagawa kundi ang yumuko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya saka pinagpatuloy ang pagpahid ng malambot na bagay sa sugat ko. "Dumito ka nalang muna sa bahay ko. Magpagaling ka muna sa mga sugat mo." Saad niya kaya napakurap-kurap ako.
"T-Talaga po?" Nauutal kong tanong.
"Ako ang kinakabahan sa'yo kapag pinaalis kita dito sa bahay ko. Halatang hindi matino ang isip mo kaya dapat lang na dumito ka muna." Saad niya sa seryosong boses.
Napangiti ako dahil hindi ko na iisipin kung saan ako matutulog.
"Salamat po. Salamat din po sa damit na pinahiram mo sa 'kin. Kapag natuyo po ang damit ko ay lalabhan ko po ang pinahiram mo sa 'kin na damit para isauli po sa'yo." Saad ko sa mahinang boses.
Hindi naman siya sumagot at nakatitig lang siya sa mga sugat ko. Sobrang lapit ng mukha niya kaya titig na titig din ako sa mukha niya. Ngayon lang ako nakakita ng gwapong lalaki. Sa tv lang kasi ako nakakakita kapag tulog si papa o di kaya ay umaalis sa bahay. Si manang ang nagbubukas ng tv kaya nakakapanood ako. Pero saglit lang yun dahil ayaw ni papa na manood ako. Patago lang talaga ang ginagawa namin ni manang.
Ngayon may nakita akong gwapo, hindi na sa tv kundi nasa harap ko talaga. Ang tangos pa ng ilong niya. Yung kilay niya talaga ay lagi akong napapatitig. Ang kapal kasi at parang ang sarap hawakan. at laruin ang kilay niya.
Yung mukha niya ay wala man lang sugat na katulad sa 'kin. Ang kinis nito at para bang alagang-alaga.
"Ako po pala si Rizza Gavan. Hindi ko pa po nasasabi ang pangalan ko sa'yo." Saad ko kahit hindi naman niya tinatanong.
"Hindi ko tinatanong, pero.. sige, tatandaan ko yang pangalan mo." Sagot niya saka umayos ng upo. Mukhang tapos na siyang gamutin ang nga sugat ko.
"Ikaw po ba ay may pangalan din? Ano po pangalan mo?" Tanong ko sakanya.
Titig na titig naman siya sa 'kin na para bang may mali sa tanong ko. Nag iwas siya ng tingin at inayos ang dala niya kanina.
"Deimos Nikolai Montemayor. Yun ang pangalan ko." Pagpapakilala niya saka tumayo sa kinauupuan niya at tumalikod sa gawi ko. "May hinanda akong pagkain sa kusina. Kumain ka hanggang gusto mo." Dagdag niyang sabi saka nagsimulang naglakad palayo sa 'kin. Nakasunod naman ang tingin ko sa likod niya hanggang sa maka akyat siya sa hagdan.
Hinintay ko lang na mawala siya sa paningin ko hanggang sa tuluyang hindi ko na siya nakita. Kumulo na naman ang tiyan ko kaya dali-dali akong tumayo at tinungo ang tinuro niya na kusina.
Gutom na talaga ako kaya tumakbo ako papunta do'n. Ang lawak talaga ng bahay ng lalaking yun. Pwede akong magtatakbo dito kung tutuusin.
Nang makarating ako sa kusina na sinasabi ni Nikolai ay nakita ko agad ang mesa na may mga pagkain tulad ng sabi niya. Hindi ko lang alam kung anong mga tawag nito pero lumapit parin ako para kumain. Gutom na talaga ako kaya kahit anong nakahanda ay kakainin ko na.
Umupo ako at nagsimula na akong kumain. Para akong hindi pinakain ng isang taon dahil sa ginagawa ko. Nagkamay lang din ako kumain dahil mas gusto ko yun. Nahihirapan kasi ako gumamit sa sinasabi ni manang na kutsara. Kaya lagi niya ako tinuturuan gumamit no'n dahil babae pa naman daw ako at dapat daw matuto.
Pero hirap talaga ako at mas gusto ko magkamay dahil nakakakain ako ng mas mabilis.
Habang kumakain ako ay nililibot ko ang tingin ko sa paligid. Ang ganda talaga ng bahay ni Nikolai parang kahit kusina ay gusto ko ng gawing silid. Kahit dito lang ako humiga sa sahig ay ayos lang.
Kumain lang ako ng kumain at halos mabilaukan ako sa gulat ng biglang sumulpot si Nikolai sa harap ko.
"Ganyan ka ba kumain?" Tanong niya habang nakatitig sa kamay ko na puron kanin dahil sa ginagawa kong pagsubo.
"P-Pasensya ka na po.. hindi po kasi ako gumagamit ng kutsara. Nahihirapan po kasi ako at mas gusto kong magkamay." Sagot ko sa nahihiyang boses.
Napabuga na naman siya ng hangin at para bang hindi niya nagustuhan ang sagot ko. Wala naman akong magagawa dahil ganito na talaga ako. Hindi naman ako magiging mangmang kung hindi sa papa ko eh. Siya ang dahilan kung bakit wala akong alam sa mundong 'to. Nagagalit pa kapag may natutunan akong bagay dahil sabi niya ay wala daw akong karapatan matuto. Hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa 'kin na dapat daw ay mamatay ako na walang alam kahit isa.
Hindi mawala sa isip ko ang sinabi niyang mamatay kaya tinanong ko yun kay manang at nalaman ko kung anong ibig sabihin no'n. Kaya nalulungkot ako dahil sarili kong ama ay gusto akong mawala sa mundo.
Kumain nalang ulit ako dahil hindi naman na nagsalita ang gwapong lalaki. Nagkamay lang ako at sarap na sarap sa pagkain na hinanda ni Nikolai. Ngayon lang ako nakatikim ng pagkain na ganito kasarap. Gusto ko na tuloy dito sa bahay niya. Sana hindi muna niya ako paalisin sa bahay niya. Magpapakabait talaga ako para hindi niya ako mapaalis.
Nakita ko si Nikolai na kumuha ng tubig kaya hindi ko na pinansin at pinagpatuloy nalang ang pagkain.