Rizza's Pov HINDI MAWALA sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni ma'am Madelyn. Natatakot ako na baka totohanin niya yun. Ayaw kong dito siya tumira sa bahay ni sir Deimos. Sinabi kasi niya na sa susunod daw na mga araw ay makakasama ko na daw siya sa bahay ni sir Deimos at pagsisilbihan ko daw siya. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin pero pinagdarasal ko na sana ay hindi totoo yun. Ayaw kong mangyari yun dahil alam ko na maldita siya. Iniisip ko pa lang na pahihirapan niya ako ay nalulungkot na ako. Nakatulala lang ako habang nakaupo sa gilid ng swimming pool. Gabi na ngayon at tapos na kami kumain ni sir Deimos Hindi ako makakain ng maayos kanina dahil ang daming pumapasok sa isipan ko na pwedeng mangyari. Pero naisip ko din na paano naman siya titira dito sa bahay ni si

