Rizza's Pov UWIAN NA namin kaya sabay kaming naglakad ni Lisa palabas ng classroom. Simula talaga nakilala ko siya kaninang umaga ay siya na ang palagi kong kasama. Sabay kaming kumain at sabay kaming pumupunta ng banyo. Nakakatuwa dahil may kaibigan na ako. Ayos lang sa 'kin kahit isa lang ang kaibigan ko basta ay totoo naman at ang nakaka aliw pa ay pareho kaming dalawa na may crush. Kaya ayon, panay ang topic namin sa mga crush namin. Pero siyempre sa 'kin ay ang tinutukoy kong crush ay si sir Deimos. Wala naman na yata akong magugustuhan na ibang lalaki kundi si sir Deimos lang. Ewan ko ba pero yung puso ko ay siya lang talaga ang laman. Nakakatuwa mga dahil kahit mas matanda ako kay Lisa ay nagkakaintindihan kaming dalawa. Mas matanda kasi ako sa kanya pati na din sa iba ko pang

