Rizza's Pov NAKARATING kami sa subdivision at talagang nadaanan pa namin ang bahay ni sir Deimos. Gusto ko sanang huminto si kuya Sid sa harap ng bahay ni sir Deimos pero alam ko naman na magagalit siya at hindi papayag. Dire-diretso lang ang pagmamaneho ni kuya Sid hanggang sa makarating kami sa malaking bahay. Medyo malayo 'to sa bahay ni sir Deimos. Malawak pala talaga ang subdivision na 'to. Ngayon ko lang kasi nalaman. "Ito po ba ang bahay mo, kuya Sid?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa labas ng bintana. "Yes. Dito ka na din titira simula ngayon." Sabi ni kuya Sid. Nagulat pa ako dahil biglang bumukas ang gate at may dalawang maid na lumabas. May suot silang uniporme ngunit hindi katulad sa uniporme ko dati na kita ang katawan ko. Sakanila kasi balot na balot. Short

