Rizza's Pov NAGISING ako na masakit ang katawan ko. Hindi ko maigalaw yun kaya napangiwi ako. Napahawak ako sa noo ko at tumingin sa bintana at nakitang umaga na. Sikat na sikat na ang araw kaya nataranta ako. Kahapon kasi ay matapos na may nangyari samin ni sir Deimos at dinala niya ako dito sa kwarto ko. Pinahiga pa niya ako sa kama. May pag- iingat pa talaga siya habang ginagawa niya yun sa 'kin. Akala ko pa nga ay aalis na siya sa kwarto ko matapos niya akong ihatid dito. Ngunit, nagulat ako ng humirit si sir Deimos at umilit pa. Pumayag naman ako at hinayaan ko siyang angkinin ulit ang katawan ko sa pangalawang pagkakataon. Nang matapos kami ay tumabi siya ng higa sa 'kin sa kama hanggang sa nakatulog na ako. Nagising din naman ako at yun na nga.. hindi ko na maigalaw ang kataw

