Rizza's Pov ONE WEEK ng nandito si Madelyn sa bahay ni sir Deimos. Lagi niya akong inaaway talaga at sinasabihan na malandi daw ako. May isang beses pa na sinabihan niya ako na mamatay na daw sana. Sinabi ko yung kay sir Deimos at nagulat ako ng malakas niyang sinampal si Madelyn. Akala ko nga ay lalayas na siya dahil sa ginawa ni sir Deimos sa kanya ngunit talagang matapang ang babae at ayaw talaga niyang umalis dito sa bahay ni sir Deimos. Nandito ako ngayon sa sala at kumakain ng hawak kong saging na pinrito ni sir Deimos. Nasa loob siya ng kwarto niya at may kausap sa laptop niya. Kaya naisipan ko na lumabas nalang muna para hindi ko maistorbo si sir Deimos. Hindi ko naman nakita ang babaeng maarte kaya tahimik ang bahay. Sana nga ay umalis na siya dito. Kaya ko naman ang gawain

