Rizza's Pov SIMULA ng akyatin ni sir Deimos ang binatana ng kwarto ko ay ang walangya kong kuya ay nilagyan ng tinik ang pader sa ibaba papunta sa kwarto ko. Napapahinga nalang talaga ako ng malalalim sa kuya ko. Balak talaga niyang mapahamak si sir Deimos sa ginagawa niya. Nakanguso ako habang nakaupo dito sa kama. Tinatamad kasi ako lumabas kahit pa nga nalalakad ko na ng maayos ang paa ko. Wala ngayon ang kuya ko dahil pupunta muna daw siya sa kompanya niya. Balang araw daw ay ako daw ang mamamahala no'n. Sa ngayon daw kasi ay ayusin ko muna daw ang utak ko. Ang sarap talaga niyang lunurin sa balde. Ang lakas mang-asar ng kuya ko kaya pati yung mga katangahan ko dati na lagayan pala ng basurahan yun ay ginamit ko. Hindi naman kasi ako marunong gumamit ng shower kaya wala na akong

