CHAPTER 11

1390 Words
“Argggg...” Pinok-pok ko ang ulo ko noong mapansing halos abut tenga na ang ngiti ko habang nakatingin sa weirdong iyon. Pagkalabas ko ng kwarto ay dumiretso ako sa banyo para maghilamus at mag toothbrush pagkatapos ay agad na naghanda ng agahan dahil malamang ay gutom nanaman ang alaga kong dragon dito sa condo, naisipan ko palang iba naman ihanda ko ngayon ng almusal pero hindi ko alam kung kumakain si Yesha ng mga ganito pero bahala na cravings ko 'to ngayon eh. “Good morning.”Pagbati nito sa akin pakalabas ng pinto at humihikab-hikab pa, magulo ang buhok pero wala itong paki-alam sa hitsura niya. “Yo Good morning weirdo, breakfast is ready.”Tugon ko dito habang inilalapag sa mesa ang pagkain. Dumiretso muna ito sa banyo upang maghilamus. Pagkalabas nito ay nagulat ako sa reaksyon noong makita ang inihanda kong almusal. “Woah??? Toyo? Sinangag? Etlog at hotdog for real????”Gulat na saad nito dahil sa nakita niya at bakas ng pagkasabik sa pananalita nito. “These are my favorites!!”Ani pa nito sabay naupo sa mesa at naghandang kumain. “Kumain ka nalang ang ingay mo.”Pasungit kong saad at ini-abut ang mainit na pure black coffee. “Waaahh mapalarami nanaman ang kain ko nito.” Sambit pa nito at kulang nalang ay ang puso puso sa mata na parang sa emojis haynaku. Palihim nalang ako nagpapangiti sa tuwing nakikita ang pagkachildish nito, Ewan ko ba simula noong dito siya tumira ay lagi ng masigla ang umaga ko at ganado na rin ako laging gumawa ng agahan dati kasi puro black coffee lang ako okay na. Pagkatapos kumain ay naligo ito at nagbihis, hindi ko lang pinansin dahil ito naman talaga ang Gawain niya kapag Umaga saka mukhang wala naman itong lakad gawa ng ang suot nito ay parang pangbahay lang din usually pag ganito suot niya pupunta lang ito sa baba ng condo or sa mall para mamili ng kung ano-ano. “See you later, pupunta ako kay Trina, kaibigan ko at may pupuntahan daw kami ngayong araw.” Pagpaalam nito. Habang ako ay naghahanda narin para mag work-out. “May lakad ka tapos ganiyan lang suot mo?”Takang tanong ko. Naka sleeping ware?? “Is there something wrong with my outfit Mr?” Pagtataray na tanong nito sabay taas tass pa ng kilay niya. “Nothing, take care.”Tugon ko at muling ibinaling sa tingin sa ginagawa ko. “Tsk. Weirdo.” Dugtong ko pa subalit pabulong ito. “Oh wait.”Bumalik ito at biglang lumapit sa akin. “Give me your phone.”Biglang wika nito, “at ano naman kaya ang gagawin ng tukmol na ito sa cellphone ko.”Sambit ko sa aking sarili subalit ini-abut ko rin ito sa kaniya at baka atakihin nanaman. “Alright. Got your number at Facebook.”Pangiting saad nito. “Just in case you miss me already just chat or call me okay? Ksks”Saad nito bago tuloyang lumabas ng pinto. Napatanga nalang ako sa weirdong iyon at walang nasabi. Naalala ko medyo magiging busy na din pala ako lalo na kapag nagsimula na ang shooting ng "YUGO'S DESIRE" sa ngayon gagawa muna ako ng script para sa mga characters medyo nakakapanibago pero sa tingin ko naman ay magiging madali lang ito para sa akin. Ang "YUGO'S DESIRE" pala ay isang tragic story kung saan isang babae ang pinagsamantalahan at brutal na p*natay sa campus kung saan ito nag-aaral. Pero sa ngayon mas-inaalala ko ang mangyayare mamaya sa pag-uusap namin ni Hugo. Sa tingin ko panahon narin para magpatawad sa kalimutan ang nakaraan, medyo matagal na rin at siguro kailangan ko na rin palayaan ang sarili ko mula sa sakit na dulot nito. At oo aaminin ko malaki talaga ang naitutulong ng weirdo na iyon para bumalik ang dating ako na nawala sa matagal na panahon. “Anu kaya ang ginagawa ng weirdo na iyon?”Tanong ko sa aking sarili noong bigla itong pumasok sa isip ko. “Hayst.” Pagkatapos ko maghanda ay dumiretso na ako sa gym para magwork-out. “Oyy Luca!” Pagtawag sa akin ng trainor ko noong nagsisimula palang ako mag-gym. “Dillon long time no see.” Tugon ko dito, ngayon lang ulit kami nagkita matapos ito pumunta ng ibang bansa para sa Olympic games. “Kamusta? Ang laki na ng improvement mo mula noong huli tayong nagkita ah.”Dagdag pa nito. Nagsimula na akong mag stretching habang nag-uusap kami. “Kamusta nakamoved on kana ba?”Biglang Tanong nito. Ou nga pala nagsimula akong mag gym ilang araw matapos kami maghiwalay ni Kayle at dito ko ibinaling ang galit ko sa pagbubuhat. Si Dillon lang din ang lagi kong nakakausap simula noon kaya alam niya ang nangyare sa amin. Lamang lang ito ng dalawang taon sa akin kaya kumportable akong kausap ito, matangkad sa akin ng kaunti at mas malaki ang katawan kumpara sa akin. Napahinto ako noong naitanong niya ito. “Dillon ano ba ang pakiramdam ng nakamoved on na?” Biglang tanong ko dito dahil ako mismo sa sarili ko ay hindi pa malinaw kung nakamoved on na ako o hindi pa. “Hmmm? Kapag siguro hindi mo na siya namimiss or madalang na rin ito na pumapasok sa isip mo, If you feel that you are getting better and the heavy feeling is slowly diminishing, you are perfectly right. Wala namang ibang tao na makakapagsabi kung okay ka na nga ba talaga or hindi kundi ikaw lang din. Afterall, some of our feelings are just effects of our mindset.”Sagut nito na para bang pinagdaanan narin niya ang ganitong sitwasyon. “Or maybe malalaman mo kapag muli kayong nagkita, kung nagkita kayo then on that moment naramdaman mong parang biglang bumalik ang lahat tungkol sa inyo lalo na ang sakit ng nakaraan niyo or naiilang kapa Malaki ang chance that you are not completely healed pero kapag naman nagkita kayo at parang wala lang, yoong feeling na normal nalang there is a big chance that you have already accepted the fact na wala na kayo or nakamoved on kana talaga.” Dugtong pa nito. Malawak ang pag-iisip ni Dillon pagdating sa seryosong usapan kaya marami ka talagang matototonan dito. At sa totoo lang tinanong ko na siya dati kung naranasan niya ng mabroken sabi niya hindi pa daw dahil focus muna siya sa career niya. “Eh paano mo naman masasabi kung may nagugustohan ka ng iba?”Bigkang tanong ko dito na kahit ako ay nagulat sa aking sarili. Bigla ba namang pumasok ang weirdo sa isip ko hasyt. “Ay? Haha, sinu iyang babaeng iyan hah Luca?”Tanong nito at sinamahan ng tinging nakakaloko. “Hayst wala naitanong ko lang.” Pagtanggi ko sa nagsimulang magbuhat. “Kuya Lucaaaaa!!!” Napalingon ako noong may marinig na tinatawag ang pangalan ko at nakita ko tumatakbo papalapit sa akin si Maya, siya ang nakababatang kapatid ni Dillon at nasa labing walong taong gulang athlete din ito sa campus nila kaya naandito din siya palagi para mag work out parang kapatid ko na rin ito hindi ito naiilang sa akin. “Oyy Mayang musta?” Tugon ko dito. “Hala ang laki na ng katawan mo kuya Luca.” Wika nito noong makalapit sabay pinisil pisil ang braso ko. “Maya huwag mong isturbohin kuya Luca mo.” Mahinahong sambit ni Dillon. “Kuya diba dati ang payat nito si kuya Luca Akala ko nga dati may tuberculosis siya ei.” Dagdag pa nito na siya namang ikinatawa naming ni Dillon. “Haynaku kang bata ka, Hali ka na nga rito at magsimula kana.” Natatawang sambit ni Dillon. Makalipas ang dalawang oras ay natapos na ako sa aking work out kaya agad na bumalik sa unit ko upang makapagpahinga. Pagkabalik ko sa condo ay wala pa ang weirdon kaya nagpahinga muna ako saglit. “Anu na kaya ang ginawa gawa ng weirdo na iyon?”Mahinang tanong ko sa aking sarili . Ang tahimik sa bahay hindi na ako sanay. Ilang oras nalang pala at magkikita kami ni Hugo, iniisip ko pa rin kung ano kaya ang malalaman ko mamaya sa oras na mag-usap na kami. “Si Kayle kamusta naman kaya siya?” Di ko mapigilang maitanong sa aking isipan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD