Nagrides kami ni Yesha gamit ang motor ko at... “Woah?? Waittt?? are we going to tagaytay???” Takang tanong nito noong mapansin niya na palabas kami ng manila. Wala naman akong pasok ng dalawang araw kaya naisipan kong sulitin ito para makasama at makabonding si Yesha sa labas sa kauna-unahang pagkakataon dahil alam kong boryo na boryo na ito doon sa condo lalo na kapag wala ako. “Yeah.”Napapangiting tugon ko dito. Medyo mabilis ang magbyahe ngayon dahil gabi na at wala ng traffic kaya pagkalabas namin ng manila ay binilisan ko pa ang patakbo ng motor ko at gustong gusto naman ito ni Yesha saka isa pa masmaganda magbyahe na ganitong oras dahil nakaka enjoy ang tanawin sa bawat daraanan. “Woaaahhhhh!!!!!!HAHAHA.” paulit ulit na sigaw nito at halatang nageenjoy sa byahe. Napaisip tuloy

