Natalie's POV
Kinabukasan ay di ako pumasok. Hindi dahil sa nangyari kagabi pero wala akong gana. Lumabas ako ng kalsada at planong mag jogging. Nakita ko sa tapat ng bahay na nanduon ang binatang nangangalakal.
Nagwawarm-up ako ng biglang may tumigil na sasakyan sa aking tapat. Nakita kong si Jeff ang bumaba mula sa sasakyan. Nakatingin lang ako sa kanya habang papalapit sa akin. "Babe I'm sorry", nanghihingi siya ng sorry sa akin.
Tama ba ang narinig ko, marunong bang masorry ang taong ito? Hindi ko siya pinansin at nagsimula akong magjogging patungo sa kung saan nakatambay ang nangangalakal. Hinabol ako ni Jeff at agad na hinatak ang aking braso. Nakatingin lang ang lalaki sa amin at parang nanonood lang ng palabas.
"Bitawan mo nga ako hayop ka!", sigaw ko kay Jeff. Binitawan niya naman niya ako ngunit muli niya akong hinawakan.
"Ano ba nasasaktan ako! Bitawan mo ako, sabi eh!", galit kong sabi kay Jeff.
Pero di pa rin niya ako binibitawan. Nakita kong tumayo ang lalaki at agad na nagsalita.
"Pare, bingi ka ba? Bitawan mo raw siya, bading ka ba dahil nananakit ka ng babae?", matapang na sabi ng lalaki.
"Gago ka pala eh! Ano bang pakialam mo ha? Lumayas ka nga diyan pulubi!" galit na sinabi ni Jeff.
Pero di natinag ang lalaki salita ni Jeff.
Bumitaw si Jeff sa akin at biglang sinuntok ang lalaki pero nailagan agad niya ito. Galit na galit si Jeff na sumuntok ulit pero puro hangin ang tinatamaan niya. Biglang bumawi ng suntok ang lalaki.
"Aaahhkkkk!", isang malakas na suntok sa sikmura ang natanggap ni Jeff na halos pumigil sa kanyang paghinga.
Bumaluktot siya dahil sa sakit ng kanyang katawan sa isang suntok na binitawan ng lalaki. Tumingin siya sa akin at agad akong tinanong.
"Ok ka lang ba miss?"
"ah oo" sagot ko.
At tumakbo na ako papasok ng aming bakuran.
Sinilip ko ulit sila at nakita ko pang binigyan pa ng isang suntok sa sikmura si Jeff at halos ay mapagulong ito sa kalsada.
Umalis na ang nangangalakal kasabay ng pagsigaw ng,
"bote at diyaryo diyan, bumibili ako ng bote at diyaryo!".
Relax na relax na tinutulak ang kariton at sumulyap pa sa kinaroroonan ko.
Sumakay naman agad si Jeff sa kanyang sasakyan at di na nagtangka upang kausapin ako. Kawawa nga lang dahil sa suntok na natamo niya, buti nga sa kanya.
Lumipas ang mga araw,
di ko na nakikita ang lalaking nagtutulak ng kariton.
Lunes na ngunit hindi ako nakapasok kaya nag-stay lang ako sa bahay.
Hapon na ng maisipan kong magpunta ng mall. Pag labas ng sasakyan ko ng subdivision ay may nakita akong isang lalaki at sa tingin ko ay siya ang nangangalakal pero parang hindi siya. Naka bihis kasi siya at ngayon ko lang makita na ganuon siya at may malaking bag. Nilampasan ko lang ito at ng aking tingnan ulit sa side mirror ng sasakyan ko ay namukhaan ko na siya.
Hindi ako huminto at nagpatuloy lang ako sa pagpunta ng mall. Mag-isa akong nagshopping at pinagod ang sarili saka ako umuwi. Kinabukasan ay nagpasya na akong papasok sa eskwela.
Magpahatid ako sa driver namin dahil tinatamad akong mag maneho.
Pagkalabas ng sinasakyan ko ay nanduon na naman ang nangangalakal. Nakatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya.
Sa school ay sinabi ko sa mga kaibigan ko ang nangyari sa amin ni Jeff. Wala silang magawa at walang sisihan kahit pa na sila ang nag-udyok para sagutin ko nuon si Jeff.
Nagpatuloy lang ang buhay ko, single ako habang ang iba naman sa amin ay may mga karelasyon. Kinukutya nila ako kung di raw ba ako naiinggit sa kanila. "Ano na best, di ka ba naiinggit sa amin?, tanong sa akin ni Glenny na isa sa mga kaibigan ko. Tatlong babae at tatlong lalaki ang mga kaibigan ko pero sila din naman ang mga magka-lovers.
Ibig sabihin ako lang ang walang kapares sa kanila. I don't care. Glenny Acosta is such a caring, beautiful and charming friend of mine. Si Jasmine Bartolome ay maganda na parang kamukha ni Jasmine Trias, kaya Jasmin ang pinangalan sa kanya ng kanyang magulang.
Mabait, sexy at maasahan na kaibigan ko. At si Rhea San Miguel, maganda siya, balingkinitan ang katawan at siya ang aming leader.
"Bakit naman ako maiinggit sa inyo?", sabi ko sa kanila habang nasa loob ng classroom na naghihintay sa susunod naming subject teacher. Di ko sinasadya na lumingon sa bintana at sakto sa kalsada. Diko inaasahan na makita si Jeff sa malayo na may kasamang babae.
Sayang ang babae, ang naibulong ko sa aking sarili. Hindi ko sinabi sa mga kaibigan ko ang nasaksihan ko.
Halos umabot ng buwan at araw na ganuon ang nangyayari sa umaga ay nakikita ko ang nangangalakal. Kapag hapon naman kung maaga akong nakakauwi ay nakikita ko siyang nakabihis.
Ngunit wala lang naman sa akin iyon dahil hindi ako nagtatanong. Isa pa ay hindi ko makausap dahil nakasakay na ako ng sasakyan nuon.
Minsan sa araw ng sabado dahil walang pasok, nagpasya akong mag jogging muli sa labas. Ito pa lang ang pangalawang pagkakataon na magjogging ako pagkatapos ng insidente nuon sa amin ni Jeff.
Nagsimula na akong tumakbo ng mabagal. Gilid ito ng kalsada kaya maraming sasakyan ang dumadaan. Habang malakas ang aking tugtog sa ipod na nakalagay ang headset sa tainga ko ay di ko napapansin ang mga dumadaang sasakyan na bumubusina. Di naman sa ganuon karami pero madalas may dumadaan. Biglang nakita ko ang lalaking may tulak-tulak na kariton na huminto sa isang kanto na may tindahan at bumili ng maiinom na softdrinks.
Tuloy lang ako sa pagtakbo ng biglang may bumusina sa akin. "Beeeeeepppppp!, beeeeepppp!", dahil sa napalakas ang pagbusina ay narinig ko kahit malakas ang music ko.
Agad akong tinakbo ng lalaking nangangalakal upang maialis sa gitna ng kalsada. Na hindi ko na pala namalayan na nakarating na ako sa gitna na kalsada.
Payapos niya akong binuhat at inuna niyang pinabagsak ang kanyang katawan upang ingatan ang aking katawang pabagsak na sa kalsada.
Muling nagbusina ang sasakyan. "Beeeeeepppp! beeeeeeeepppppp!"
busina ulit ng mabilis na sasakyan na sana'y babangga sa akin ng matulala ako sa gitna ng kalsada.
"Tabi!, mga gago!",sigaw ng nasa loob ng sasakyan ng dumaan na.
Hindi agad ako nakakilos dahil sa pagka bigla. Nakahiga ako sa katawan ng nangangalakal. Ilang segundo pa ay agad na akong bumangon at nagpasalamat. "s**t kung di dahil sa lalaking ito ay malamang na nasa ospital na ako sa mga susunod na oras".
"Okay ka lang b?", tanong niya.
"Oo, okay lang ako,salamat ha!.
Tumayo na ako ngunit siya ay di agad makatayo at medyo masakit ang balikat. Pero ilang minuto lang ay tumayo na siya.
May mga galos ang braso at balikat dahil sa pagkabagsak sa kalsada. Hinanap niya agad ang iniinom na softdrink kaso nabasag na ang bote. Hindi ko alam kung paano ko siya yayain sa bahay para magamot ang sugat. Naisipan kong sabihin na lang na marami ng bote sa bahay ibibigay ko na lang sa kanya.
Nakita kong iika-ika siyang maglakad at di ko naman siya maalalayan. Di rin ako makasabay sa kanya habang nagtutulak siya ng kariton kaya sabi ko na lang ay mauna siya at sa likod niya lang ako.
Pagdating namin sa bahay ay agad kong tinawagan ang mommy ko. Mabilis siyang lumabas at nagulat ng makita niya ang lalaking kasama ko.
"Oh anong nangyari sa iyo John Dave?
Tanong kaagad ni mommy sa kanya. Nagulat naman ako kung bakit niya kilala ang lalaki ngunit hindi na lamang ako nagtanong. Agad akong pinakuha ni mommy ng malinis na tubig at bulak pati na ang first aid kit.
Habang nililinisan ni Mommy ang sugat ni John Dave at JD pala palayaw niya ay kinukwento ko ang mga nangyari.
Tahimik naman ang lalaki habang nakikinig sila ni Mommy, natuwa naman ang Mommy ko sa ginawang katapangan ni JD.
"Ay Mommy nasaan na ba ang mga bote at ibigay nalang natin sa kanya", tanong ko.
Agad na tinawag ni Mommy ang hardinero namin saka pinakuha ang kaunti pa naming naipon na bote. Nang malinisan na ang kanyang mga galos ay nagpasalamat muna siya kay Mommy saka umalis na rin agad si JD.
Sa balkonahe ay naupo muna kami ni Mommy. Tinanong ko siya kung bakit niya kilala si JD.
"Alam mo Hija kung may papapasukin ka sa loob ng bakuran mo, dapat kilalanin mo sila kahit sa pangalan lang. Eh makwento itong si JD.
Sa tingin ko ay mabuting bata iyan, masipag at nagtatrabaho ng marangal. Sa hapon naman ay nag aaral siya", mahabang paliwanag ni Mommy.
"Ah ganun po ba? Hindi ko alam na ganyan pala siya kasipag Mommy". Imagine nagagawa niya mangalakal at mag-aral?
"Ganyan talaga ang mga madidiskarte Hija", sagot sa akin ni Mommy. Tumaas pa ang kilay ko dahil tila proud pa siya sa kanya eh hindi naman niya kaanu-ano.
Nung hapon ding iyon habang nasa kotse ako ay naisipan kong tiyempuhan si JD sa labas ng subdivision at di naman ako nabigo.
"Hoy JD saan ka pupunta? tanong ko nga makita ko siya.
"Tara sumabay ka na", sabi ko sa kanya.
"Naku Ma'am, huwag na po kasi nakakahiya! May dadaan rin namang sasakyan dito maya-maya lang", pagtanggi niya sa akin.
"Aysus huwag ka na mahiya".
"Magmadali ka na, halika na makulimlim baka abutin ka pa ng ulan",
pamimilit ko sa kanya. Sa di sinasadyang pagkakataon ay biglang umambon. Walang nagawa si JD kundi ang sumabay sa akin. Inayos ang kanyang pagkaupo at kinabit ang seat belt.
Sa loob ng kotse ay ipinagpatuloy namin ang aming pag-uusap.
"Naku maraming salamat Ma'am".
"Ako nga ang dapat magpasalamat sa iyo eh, dahil sa pagligtas mo sa akin kanina. "Kumusta na ang mga galos mo magaling na ba?",tanong ko pa sa kanya.
"Maayos naman na po.
Huwag niyo itong intindihin, konting sugat lang ito!",sagot naman niya.
"Saan ka ba pupunta para maihatid na kita duon?".
"Sa public school dito sa atin ma'am,may pagtuturo pa po ako ng karate bago ako pumasok sa aking klase".
"Ah ganuon ba, wow ha?
Teka nga Natalie na lang itawag mo sa akin di ako sanay ng ma'am eh", kasabay ng aking pagtawa. Parang naging masaya tuloy ako sa aking pagtawa.
"Oh sige ho, wala ho ba kayong sundo?
Bakit di ko na nakikita ang boyfriend mo?" tanong naman niya sa akin.
"Ah wala na kami simula nuon sa nangyari", naisipan kong baguhin ang topic dahil ayokong pag-usapan ang lalaking iyon. "Matanong ko nga pala, bakit ka pala palaging nasa tapat ng aming bahay tuwing umaga?
Di siya agad nakasagot sa akin at bahagya pa itong nag-isip.
"Ah, namimili ako ng mga bote at diyaryo sa umaga at masaya ako kapag nakikita ko ang iyong kagandahan. Pangarap ko kasi na magka girl friend ng kasing ganda mo kaso wala ako makita na ka level ko", nahihiyang sinabi nito. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ano ba? Kinikilig ata ako sa mga narinig ko ngunit hindi ako nagpahalata.
Nakarating na kami sa school na pupuntahan niya kaya huminto ako ng pagmamaneho. Bumaba na siya at muli ay nagpasalamat. "You are welcome", sagot ko sa kanyang pasasalamat. Hindi muna siya pumasok agad.
Tumayo muna siya sa gilid ng gate ng school, hinintay muna ang pag-alis ko. Bumusina ako at nakita ko sa side mirror na kumaway pa ito habang papalayo ang aking sasakyan. Nagtungo ako sa mall up pang magpalipas ng oras. Mag-isa akong namamasyal sa loob ng mall.
Sa may squalator, kaliwaan ang mga pares-pares ng lovebirds dahil weekend nga. Oras ng galaan at leisure lalo sa mga estudyante na gaya ko. Tahimik lang ako naglalakad at patingin-tingin sa paligid. Ayoko tawagan ang mga kaibigan ko dahil alam ko na busy rin sila ng kani-kanilang love life.
Naranasan ko rin naman iyon kaso nga lang di nagtagal. Mainam na rin iyon maaga kong nalaman ang mga pinaggagawa ng lalaking iyon. Hindi ko pa nasasabi sa aking mga magulang ang tungkol kay Jeff na ayoko na sa kanya. Nakahalata naman sila siguro dahil matagal na hindi ako sinusundo ni Jeff.