Isang madilim na bangungot ang naging sanhi upang magising si Laureta mula sa mahimbing na pagkakatulog. Habol habol niya ang kaniyang hininga at sapo sapo ng kanan niyang kamay ang dibdib. Sa panaginip niya ay ilang beses silang tumakas at nagtago, pero lagi silang natutunton ng pamilyang iyon dahil lubos na makapangyarihan ang apilyedo nila. Umabot na sa punto na pagod na silang tumakas, magtago, at magpahabol. Her parents made a deal to them. Siya kapalit ng kapayapaan. Gusto ng mga ito na gawin siyang pambayad utang. Sumang-ayon ang mga ito, ibenenta siya ng mga magulang at ginawang pambayad utang sa isang pamilya na pilit silang ginigipit. Walang ibang nagawa si Laureta kung hindi sumama ng kusa. Handa niyang isakripisyo ang sarili huwag lamang mapahamak ang pinakamamahal niyang pam

