Kabanata 26

1346 Words

Hindi mapakali si Laureta habang pinapanood ang lagaslas ng tubig sa kan'yang banyo. Tensyonado siya at tinatamad maligo sa hindi malamang dahilan. May kung ano sa sarili niya na nag-uudyok upang huwag maligo sa araw na ito.  "Maliligo ako! Maliligo ako!Maliligo ako!" kumbinsi niya sa sarili. Huminga siya ng malalim at saka unti-unting lumapit sa tubig. Una niya munang binasa ang palad, pababa sa kanyang  paa. Ngunit nang marating ang parte ng tuhod, bigla siyang umatras at tila nagbago nanaman ang isip.   "Teka, hindi naman kasama sa sampung utos ng Diyos na maligo araw-araw, ha."  Inabot niya ang bathrobe at saka ito muling sinuot. Mabilis siyang nag-martsa palabas. Dire-diretso ang lakad niya patungo sa kanyang mahiwaga at demonyong kama, doon niya binagsak ang sarili at saka pumikit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD