Kunot noo niyang binuksan ang switch ng ilaw. Hindi siya sinalubong ng alaga niyang aso ngayon. Wala ring buhay ang bahay na dinatnan niya't walang ka-ilaw ilaw man lang. Sa unang tingin ay para na lang itong isang bodego o bakanteng lote, hindi na mukhang bahay. Bakit ang tahimik? Bagot niyang hinagis ang bag sa couch. She waited for a couple of minutes, but no one showed up. Tulog na kaya sila? Binuksan niya rin ang ilaw sa kusina. Walang nakatakip sa lamesa, wala ring pagkain sa ref. Puro tubig na lang 'ata ang lama n'on at isang maliit na mansanas. "Pa? Nandito na po ako." Umakyat siya sa taas upang katukin sana ang ama, pero pababa na rin pala ito. "Oh, anak, ginabi aka 'ata?" Nag-mano muna siya't humalik sa pisngi bago suriin ang ama. Bihis na bihis kasi ito. Kapansin-pansin d

