BT 29 Carol’s Pov Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa kanya pero ilang beses na ba akong umasa kay Camille? Kung ano man ang ibig sabihin niya sa babawi siya ay ayoko ng lagyan pa ng kahit anong kulay. Baka gusto lang niyang bumawi sa pagkakaibigan namin diba? “Sarap!” Angsarap ng libre kasi! Bakit angtahimik naman nitong kaharap ko. Parang pinanood lang niya akong kumain halos hindi niya nagalaw ang pagkain niya. “Bakit hingi ka kumain?” “Busog pa ako.” Umunom siya ng tubig saka inurong ang plato.”May klase ka pa? Tara na?” “Kumain ka muna Mille. Absent yung prof ko e. Vacant ko ng isang oras.” “Ok.” “may mas iikli pa ba diyan? Nagyaya kang kumain tapos hindi ka kakain. Angpayat mo na oh. Huwag mo kasi siyang isipin mahal ka nun.”pang-aasar ko pa. Tipid lang ang ngiti niya.

