BT 16
--
Ciene’s POV
“Yam….”
“huwag mo nga akong matawag-tawag na Yam.”pagsusungit ko kay Kim na kanina pa sunod nang sunod sa akin. Mula sa training hanggang dito sa dorm.
“yam…sorry na oh…”
Hinarap ko siya saka dinuro-duro.”gago ka pala e..sino ba kasi ang nagsabing sapakin mo si Syd ha?!”
Napakamot siya sa ulo niya.”e kasi akala ko hinahalikan ka niya.”
Hinahalikan? Mukahng tanga tong babaeng to. napuwing lang ako hinipan lang ni Syd ang mga mata ko. nakatalikod kasi si Syd sa kanila kaya mukhang hinahalikan niya ako. bigla ba naman niyang sinugod. Hayun tumba si Syd tapos nagkapasa pa sa mukha.
“sorry na cienne…”
“huwag ka sa akin magsorry. Kay Syd ka magsorry.”
“ayoko.”
“oh e huwag mo.bahala ka diyan.”
Iniwan ko na siya sa dorm. Makikipagkita ako kena Vio sa QE. Nakakapang-init ng ulo si Kim e. possessive bigla? Halos lahat ng madikit sa akin e pinagseselosan. Ganito ba ang pakiramdam niya nung ako yung sobrang magselos?
Mas nakadagadag pa sa inis ko tong sina Vio. Biglang nagtext na sa VEGA M na kami magkikita. Ano ba naman yan. nakapila na ako sa terminal papuntang VEGA M. pwede naman akong mag-LRT e pero gusto ko silang gantihan. Mali-late ako nito dahil sa traffic. Isa kang henyo cienneloo. Evil laugh sa isip ko.
Mabuti ay disipilinado ang mga pasahero sa mga oras na to. pang-sampu yata ako sa pila. Siguradong makakasakay na ako. dumatin na ang bus. Uusad na sana ang pila pero biglang may mga lalaking sumingit.
Muntik nang matumba yung buntis buti na lang ang nasalo siya nung nasa likuran niya. OK na sana e pero umakyat yung babae na may mahabang buhok, naka-black jacket at naka-shades sa bus at maya-maya ay isa-isa niyang tinulak papalabas yung tatlong estudyante.
Yung mga lalaki hawak-hawak ang mga mukha nila. bumaba rin yung babae at inalalayan yung buntis na makasakay.
Mas nagkaroon ako ng pagkakataong Makita ng malapitan ang kanyang mukha dahil nung sumakay ako ng bus ay lang niya ang walang nakaupo.
Nakatanaw ito sa labas. Matangas ang ilong niya. parang perpekto ang pagka-tanned ng kanyang balat. Nakakainggit naman oh.
“may nakaupo ba?”
Umiling siya.
Tumabi lang ako sa kanya pero pakiramdam ko para siyang isang bombing madaling sumababog. Lalo na nung nagsakay pa si manong driver at nagsiksikan na sa may Aisle.
Nasagi pa ako nung isang lalaki na medyo hindi ko gusto ang pagtingin niya sa akin. Sinasadya yata niyang idikit ang tagiliran niya sa braso ko. psssh.
“shit.”pabulong kong mura at umusod ng konti kay miss shades.
Tumingin siya sa akin.
“sorry.”hingi ko ng tawad.
Ibinaba niya ang shades niya at tiningnan ulit ako. siguro ay nagets niya ang irritable kong pakiramdam dahil tumingin rin siya sa lalaki.
“let’s exchange seat.”malamig niyang utos sa akin.
“are you sure?”
Tumango siya. hinintay naming may bumaba para hindi kami mahirapang magpalit ng upuan. Umandar na ulit ang bus at nakikiramdam ako kung gagawin ba ulit nung lalaki ang trip niya kanina.
Pasimple akong tumingin sa katabi ko na walang reaksyon samantalang yung lalaki ay nangingiti-ngiti pa.
Mandhid ka bang babae ka? o gustong gusto mo ang ginagawa niya?
Malapit na ang terminal na bababaan namin. pagtigil ng bus ay napasigaw yung lalaki na kanina ay hinaharass ako.
“Pota!”sigaw niya. Naglingunan ang mga pasahero sa kinauupuan namin.
Pinilipit pala ng katabi ko ang kamay niya.”p*****t…”nanggagalaiti niton sabi sa lalaki at tinulak pababa. Nagbubulungan ang mga pasahero.
Pagbaba ko ay nandun pa yung babae. Kasama yung lalaki nan aka-posas. Pulis ba siya?
“come with me.”utos niya sa akin.
“pero…”tutol ko. sobrang late na ako kasi.
“are you going to come or let this fuckin man go harass more women?”tinanggal niya. angganda niya para sa isang pulis. Saka diba pag pulis kailangang maiksi ang buhok? Bakti siya anghaba parang model pa.”what?!”
Nakakataranta siya. “oo na…”
“where’s the police station?”tanong niya.
Anal ng tipaklong tong babaeng to. pulis probinsya ba to at hindi niya alam ang mgs istasyon ng pulisya dito. sinamahan ko siya.
May konting interogasyon na ginawa. Pero mas mahaba yung oras na si miss maganda ang kausap nung pulis. Maya-maya ay nilapitan na niya ako.
“sorry I just need your statement…”
“it’s ok. Can I go?”
Tumango ito at bumalik sa kay sa table ng pulis. Ako naman ay nagtungo na sa VEGA M. sa KFC ako agad nagtungo. Aba! Nagutom ako ng sobra no. sina VIo na lang ang pinapunta ko sa kinaroroonan ko.
“gutom na gutom tayo ah.”tapik ni VIo sa balikat ko. kasama niya si Calvin.
“grabe… may manyak kanina sa bus….”irritable kong sumbong.
Naalarma naman si Vio.”why didn’t you call us? We shouldn’t have arrested him.”
Binatukan siya ni Calvin.”arrested or beaten up?”
“whatta? Ganun ba ang tingin mo sa amin?”painosenteng depensa ni Vio.
Ako na ang sumabat sa kanila. baka magkasakitan pa sila e.”maybe both. But he gets beaten up first before arresting him huh?”
“yeah yeah…”natatawang pagsang-ayon sa akin ni Vio.
Panay lang ang ring ng phone ko. Si Kim lang yan. inoff ko ang phone ko at nilapag sa mesa.
“…si ate ko yun no?”
Tumango ako.”angkulit ni kimikimi.”
“ate naman.sagutin mo na…”
“bakit?”
Maya-maya ya yung CP naman niya ang nagriring. “that’s why.”natatawang sabi ni VIo.”kanina pa siya kinukulit ni Kim kung nasaan kami. ito kasi sinabi niyang magkikita tayo.”
“amin na…”lahad ko ng kamay ko.
Pinindot ko ang answer call. Hindi ko na hinintay na magsalita si Kim.”huwag kang istorbo. Lobat cp ko. bye.”saka ko inoff ang phone ni Calvin.
Ang-evil ko kay Kim. hiniram ko naman ang phone ni VIo. Tinext ko si Syd kung nagsorry na si Kim. since hindi pa naman siya nagsosory hindi ko pa siya kakausapin.
“under si ate sayo no?”natatawang tanong ni Calvin.
Umiling ako.”may kasalanan kasi. Hayaan mo siya. yan napala niya e…”
“ows? Galit ka sa kanya?”
Tumango ako agad-agad.
“so tumatanggap ka pa ng manliligaw?”dagdag ni VIo.
“bakit? May mag-aaply ba? Gwapo?”
Inirapan ako nito. LUUUHH? Nagaya na niya ang pang-iirap ni Calvin?
“hindi mo na mahal si ate?”
Hindi ko na ba siya mahal? Ewan ko. hindi ako agad na nakasagot.
“laro na lang tayo…”biglang sabi ni Vio.”tagal pa ni Den e…”
“game…”sang-ayon ko naman. since nabobored na rin ako.
Umayos ng upo si Vio at hinawi naman ni Calvin yung mga pinagkainan namin.
“Pipili ka lang sa dalawang bagay na sasabihin ko…”paninimula ni Vio.”but you can choose both…sagot agas withing 3 seconds”
Tumango ako samantalan si Calvin naglaro lang sa Phone ni Vio.
“you ready?”
Tumango ako.
Ngumisi siya at nagsimulang nagtanong.
“baguio or tagaytay?”
“same.”
“ice cream or cake?”
“same”
“viber or skype”
“same.”
“sss or twitter.”
“same”
“eggpie or kfc?”
“SAAMMMMMMMEEEEEEE”
“Mika or Ara?’
“same.”
“syd or kim.”
“Kim.”
“GOTHCHA BBAY!”nag-apir sila ni Calvin..”narecord mo ba?”hila niya sa braso ni Calvin.
“halla.nagrarhyme kasi!”
Pero ngumiti lang ito.Nanghina ako sa trip ng dalawang to. parang nag-init ang pisngi ko nang pinarinig nila sa akin yung nirecord ni Calvin.
“hooh…three seconds ang you chose Kim…”napapailing na sabi ni Calvin.”swerte ng panget kong ate.”tawa pa siya.
“idelete niyo yan.”utos ko sa kanila.
“ayoko nga…”
Binulsa ni Vio ang phone niya.”gagawin ko pang ringtone to no. Bluetooth ko sayo gusto mo?”panunudyo pa niya.
“tsss…bueset ka kahit kailan! Akala ko ba magkaibigan tayo?”puppy eyes ko baka sakaling maawa siya sa akin.
“yah yah…we’re friends..but im loyal to my boss.”turo niya kay Calvin.”who happens to be Kim’s sister. So I am loyal to Kim.”ngisi niya.
--
Naglibot-libot na kami sa mall. Nag-arcade, nagtingin ng mga sapatos. Titingin lang naman kasi mas makakamura kami pag sa JTW kami bibili e.
Sunod naming pinuntahan ang skating rink. Magaling si Calvin dito. panonoorin ko lang sila no. ayoko pang mamatay! Saka angdaya naman kasi kung ako lang hindi marunong. Tapos nagsasaya sila? Unfair diba.
Kinuhanan ko na lang sila ng pictures. Saka ako naupo at naglaro sa phone ko. BORING. Nakakalungkot naman. kung nandito lang si Kim may mabibisyo ako e.
“why are you alone?”biglang tanong ng babaeng tumabi sa akin.
Nakayuko lang ako.”lakampake.”
“of course meron…”
Pag-angat ko ng tingin ko ay si Rence nan aka-peace sign.
“oh? Anong ginagawa mo dito? akala ko kasama mo si Camille?”
Mukha siyang nadisapoint.”im baby sitting. I guess.”saka siya tumingin sa may skating rink. Tinuro niya yung babaeng blonde ang buhok na nagpapaikot-ikot sa rink. Anggaling niya. nakakainggit.
“girlfriend mo?”
Umiling siya.”si Camille lang ang gusto kong girlfriend.”
“weh? Kasi kaharap mo ako?”natatawa kong tanong sa kanya.
“nope. E siya mahal ko e. body guard ako ni Miss Jung. Nagresign na ako pero nung isang gabi kasi nagpasabog siya ng isang kotse. well hindi naman nagpasabog. Ewan kung ano ang ginawa niya sa makina. Hayun sunog ang kotse.”
“wow…warfreak.”
“anong kinalaman mo dun?”
Ngumiti siya.”hayun… I need to stay by her side until class starts officially.”
“e bakit parang masama ang loob mo? maganda siya ha?”
“she sure is beautiful but Camille is more beautiful than her…”
“hooh…nagpapalakas si Rence sa kakambal…”pang-aasar ko sa kanya.
“kung makakatulong ba e.”
Adik rin tong kulay asul na buhok na to e. At kung kakulitan lang rin ang pag-usuapan hindi pahuhuli tong si Rence. Kanina pa niya pinagtitripan ang buhok ko e. Guguluhin tapos pag titingnan ko siya magwawalang bahala siya.
“Shi qi…let’s go.”napatingin kami sa pinaggalingan ng mapang-utos na boses. “you are supposed to watch over me and not flirt with someone.”saka niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa.”you look familiar.” Yung tingin niyang nakakainis. Puno ng sarcasm ang pananalita niya.
”baka sa f*******: or twitter. Varsity player ako ng Mhei zhou e. Lam mo na medyo sikat.”pagyayabang ko naman. patatalo ba ako sa mayabang na babaeng to? CRUZ YATA TO.
“I don’t know your school either.”
WTH? Saan ba nag-aral tong babaeng to?
Napakamot si Rence sa ulo niya.”let’s go miss Jung.”
Tinapunan pa ako ng isang nakakainsultong tingin nung babae saka siya umalis kasama si Rence. Nakakapng-init ng ulo! Matapobre!
Badtrip yung babaeng yun ha! Anglakas makasira ng moment! Nakakabadvibes!
“bakit parang uusok ang ilong mo diyan?”tanong ni Vio.
“nevermind. Tara na.”
Naghihintay daw sina Den sa may Chowking. Ikakain ko na lang tong inis ko sa babaeng singkit na matapobre na hindi kilala ang mhei zhou. Big deal? OO BIG DEAL!
HINDI SILA NAG-ATTEMP NA KAUSAPIN AKO DAHIL ALAM NILANG HINDI SILA MAKAKARINIG NG MATINONG SAGOT MULA SA AKIN.
Malapit na kami sa chowking. Tanaw ko na si Den. Mukha siyang pamilyar sa suot niyang jacket. Nakapamulsa ito at sinisipa-sipa ang lifesize display sa may pinto.
“halos uuwi na kami ah…”nagfist bump sina Vio at Den.
“sorry… may inayos lang kasi kami.”tapik niya sa balikat ng kasama niya.
Yumuko ito sa amin.”I’m sorry.”pag-angat niya ng mukha niya ay napatingin siya sa akin.
Siya nga! Yung babae kanina. Paano ko ba makakalimutan ang astig na babaeng to. stunning kaya siya.
“this is our friend cienne cruz..”paninimula ni Den. “and Calvin Fajardo”
Inilahad ko ang kamay ko. nawala na ang badvibes ko kasi mukhang mabait tong kaharap ko ei.”hi…I’m cienne..”
Inabot naman niya ito.”Yuri…”nakipagkamay siya sa amin ni Calvin.
Nice name. Si Den ang pumila samantalang sina Vio at Calvin naman bibili daw ng float sa mcdo. Kaya heto naiwan kami ni Yuri na parang walang balak magsalita.
Bumalik si Den.”Cienne ano na yung order mo?”
“chao fan, shanghai, dumpling, bili ka na rin ng halo-halo.”
Napatingin sa akin si Yuri na parang nagtataka.
“bakit?”
“shikshin.”mahina niyang sabi. Saka tipid na ngumiti.
“ha?”
Umiling siya.”nevermind.”
Weird mo ha. Pero cute ka pa rin kaya bawi ka na. nakatitig lang ako sa kanya. Gusto ko yung mga mata niya. sana ganun na rin ang mga mata ko. yung buhok niya. gusto ko ganyan kaitim. Pati yung labi niya. luuhh.angganda.
“why are you staring at me?”
Umiling ako.”wala…”
Ngumiti at napailing.
Whoaah. Mas maganda siya pag nakangiti! KIMIKIMI! Sorry. Ang-astig nitong kaharap ko. hahaha.angsama ko. angbilis ko lang talagang magkacrush e. erase erase tayo diyan Cienne.
Hindi makwento si Yuri. panay lang ang sang-ayos niya sa kung ano mang sasabihin nina Vio.
“magkwento ka naman.”baling ni Calvin sa kanya.
“kwon yuri. 23. Fil-Korean. I grew up in US. But im staying here in the Philippines with my sister Xenia.”
“whoaah? Ate mo si maam xen?”nanlaki ang mga mata ko.
“yeah. You know her?”
Tumango ako.
Ngumiti lang ito ulit.”maybe we could see other more often.”
--
TADA…bitin. Lol. :”) another karibal ba ni Kim? magsosorry ba si Kim kay Syd? Isa lang ang sagot diyan. GUTOM NA AKO.LOL.
gusto mo po ba ng dedication?
just PM me po.
title of story and your Username here on w*****d :") lablab guys.