Hay Nako Gabi na Pala napasarap ata Ang tulog ko, Grabeng panaginip yon parang totoo,
Teka ano to bakit naka swero ko, excuse me may tao poba Jan,
‘Malia gising kana Pala, (Luh sino si Malia Ako si Dali) ‘Uhm excuse me po sino poba si Malia Ako po si Dali, Chaka bakit Ako nandito sa hospital, ‘Sandali ija tatawag Ako nang Doctor.
‘Doc gising na si Malia pero Wala sya maalala. Test ko sya,
‘Ija Anong pangalan mo, ‘Dali po, Anong birthday mo, ‘August 26 2000, ‘Anong pangalan nang parents mo, Dany at Lucy, Teka bakit poba ko nandto, Ija Anong huli mong naaalala, Ang huli na naalala ko po naka nasa kotse kami Kasama ko family ko, pauwi sa Bahay, Yun lang po, ‘Ganon ba Sige mahiga ka muna kakausapin ko lang Ang guardian mo,
‘Nagka amnesia si Malia dala nang aksidente nya sa kotse well Hindi ko masabi kung kailan babalik Ang ala ala nya pero mas maganda bigyan nyo sya nang atensyon mas kailangan nya kayo Ngayon, ‘Yes Doc,
Matapos Kong marinig Ang usapan nila agad Akong tumayo, ‘Uhm excuse me po San po papunta sa canteen nyonagugutom na Kasi Ako, ‘Anak sandali ikukuha kita nang paburito mo Kumain ka muna,
Agad na umalis Ang Babae, ‘Sino ba sya bakit anak Ang tawag nya Sakin, ‘Pag alis na pag alis nang babae lumabas Ako para mag pahangin pero may dalawang lalaki na sunod nang sunod Sakin umikot ikoy Ako sa garden naupo tumayo at tumakbo,
‘Sandali lang ho kanina pa kayo sunod nang sunod Sakin eh sino ba kayo, ‘Sandali lang ma'am pagod na pagod na kami body guard nyo po kami, ‘Anong bodyguard kuya Oo may kotse kami pero karagkarag na yun ni singkwenta nga Wala Ako eh tapos bodyguard, ‘Oo nga Pala ma'am may amnesia kayo, Basta po bodyguard nyo kami, ‘Ganon ba ano tawag ko sa Inyo noon, ‘Ang totoo ma'am Hindi nyo kami kinakausap noon tahimik lang kayo palagi at Wala kayong kaibigan aral Bahay lang po kayo, ‘Ah Ganon ba Teka kuya upo muna kayo Dito sa tabi ko hinga ka muna medyo chappy eh kwentuhan nyoko sa pagkakakilala nyo Sakin noon, bilis Ikaw kuya mukang kaya mopa pasuyo tubig ha, bilis kuya kwentuhan Moko,
‘Ganito ma'am Ang setup nyo sa Bahay tuwing Umaga gigising kayo para pumasok ni Hindi kayo nag aalmusal tapos ni Isa samin at sa mga katulong Wala kayong kinakausap palagi kayong tahimik puro aral lang kayo, ‘Ay Ganon Ang parents ko close ba kami, ‘Hindi po ma'am laging Wala kayong Kasama sa Bahay at laging bussy Ang parents nyo kaya malayo Ang loob nyo sa kanila, pero Nung Araw na naaksidente kayo pumunta agad Ang parents nyo at Hindi kayo iniwan ni ma'am Ang dad nyo pumunta sa burol nang nang pamilya na nakabangga nyo, lahat Sila ma'am Patay Isang pamilya Yung Isa ma'am ka edad nyo po, ‘Ano gusto Kong pumunta samahan Moko kuya, ‘ Ma'am wag napo nailibing napo Sila wag po kayo mag alala binigyan Naman po nang maayos na libing Yung pamilya, ‘ Ano kuya sandali Anong pangalan nang mga namatay, Dali po ata Yung Isa, tapos Mama at papa nya.
Nang marinig ko Ang mga pangalan nang namatay nabigla Ako at sa sobrang iyak ko nawalan Ako nang Malay,
‘Teka asan Ako Ikaw sino ka, sandali Ikaw ba Yung Malia bakit ka umiiyak, Anong problema, Chaka bakit Ako nasa katawan mo, patawarin Moko Dali nadamay kopa kayo nang pamilya mo, sa aksidente, ‘ Ano bang nangyayari, ‘Nung Gabi nang aksidente lumayas Ako sa Bahay at tinakas Ang sasakyan Namin habang tulog Ang driver ko, sobrang sama nang loob ko Dali ninwalang Oras Ang parents ko Sakin sa school para Kong hangin na Hindi nag eexist binubully Ako sa school at ni Isang kaibigan Wala Ako, ayoko nang mabuhay Dali kaya Nung Araw nang aksidente sinadya Kong banggain Ang sasakyan nyo, patawarin Moko dahil nadamay kopa kayo nang pamilya mo sa problema ko. ‘Wag ka umiyak Dali Okey lang sigurado Ako kung nasaan Ang parents ko Masaya na Sila Ngayon, Hindi kita sinisisi at Hindi Ako Galit. Ganito tutal Patay Naman Nako pahiram mo Sakin Ang katawan mo aayusin ko lahat nang problema mo sa parents mo sa school mo matalino Naman Ako Ako na din bahala sa mga nambubully Sayo huh, ‘Wag na Dali Yung Gabi nayun tinapos Kona talaga Ang Buhay ko, nag desisyon Ako na ibigay Sayo Ang katawan ko patawarin Moko Dali ah, Ikaw na bahala sa katawan ko kung maaari tanging hiling ko lang Makita ko ulit na ngumiti Ako, mabuhay ka Dali sa pamamagitan nang katawan ko, ‘Sandali Malia ayokong agawin Ang Buhay mo sandali lang wag ka umalis,
‘Malia ayus ka lang ba, ‘Sandali naka swero nanaman Ako, ‘Maam nahimatay kayo kanina, kayo habang nag uusap Tayo, ‘Ganon ba,
‘Ija Malia anak ayus ka lang ba huh San may masakit Sayo anak Sabihin mo Kay mama,
‘Uhm ayos lang po Ako “Ma” wag na kayo mag alala, ‘Ganon ba Kumain kana anak pagkaubos nang swero mo pwede na tayo umuwi.
Hay Nako Malia Sabi ko wag ka umalis eh Kasi gusto Kona rin Naman mamatay lagi nalang Ako pinagagalitan ni Mama noon sa tuwing napapaaway Ako Anong gagawin ko sa katawan mo studyante nanga Ako noon studyante pa rin Ako sa katawan mo,
‘Ma tapos Nako Kumain halika na uwi napo Tayo kuya Tara na uwi na tayo, (agad Kong inakbayan Ang Isa Kong bodyguard at lumabas nang hospital)
Habang nasa byahe nag uusap Ang Mami ni Malia at Ang driver namin,
‘Ang weird ni Malia Hindi ba tahimik lang sya ni Hindi nyako kinakausap pero tinawag nyako na Mama, ‘Opo ma'am kanina po nakipag usap sya Sakin first time po iyon ma'am,
‘Well mas gusto ko Yung Malia Ngayon Kasi kahit papano nakikipag usap na sya sa tao
Nang makarating kami sa Bahay ni Malia talagang nagulat Ako,
‘Wow anlaki nang Bahay “Ma dito po ba ko nakatira, ‘Oo anak simula baby ka nandto na Tayo, ‘saan po Yung kwarto ko pwede Kong Makita,
Agad Akong tumakbo papasok nang Bahay at may Nakita Akong Isang lalaki,
‘Malia anak, ‘Uhm magandang Gabi po saan po yung kwarto ko, ‘Ah sa gitna sa taas, ‘ Okey thankyou po aakyat napo Ako,
Tumakbo Ako nang hagdan at agad na pumuntTransfereeo ni Malia,
‘Wow sobrang laki at sobrang Ganda nang kwarto, aba may vanity mirror pa at may mga make-up astig Naman nito,
Sobrang manghang Maha Ako sa mga gamit ni Malia Hanggang sa may napansin Ako sa loob nang drawer ni Malia Isang letter,
‘Ano to love letter bato aba may photo booth pa, sino kaya to gwapo sya ah at mukang bad boy kaso diko sya trip, mabasa nga tong letter para Kay Jonas, taray ni Malia may pa love letter check nga natin,
“Hi Jonas sumulat Ako para ipaalam sana Sayo Yung feelings ko alam Kong suntok sa buwan na magustuhan Moko pero gustong gusto talaga kita crush na kita simula Nung junior high sa tuwing makakasalubong Moko palagi mokong iniiwasan sa tuwing tatangkain Kong lapitan ka lagi mong Kasama mga kaibigan mo oh kaya girl friend mo palagi nyokong pinag tatawanan at masakit Sakin Yun laging sinasabi nang mga kaibigan mo Sakin na Pangit Ako at kahit kailan Hindi Moko magugustuhan, nasaktan Ako kaya bumili ko nang makeup para matuto mag mapaganda para Sayo para mapansin mo pero Nung pumasok Ako nang school pinag tawanan nyokong lahat at sa Cr binugbog Ako nang mga nambubully Sakin alam mo Ikaw Yung dahilan kung bakit ginagalingan ko mag aral at palaging pumapasok kahit na bugbugin nila ko ayus lang Basta Makita lang kita, Hanggang sa nagkaroon Ako nang pag kakataon Makita ka mag Isa sa rooftop, sinabi ko Sayo na gusto kita, pero Ang Sabi mo Sakin “Malia Ang panget panget mo mahiya ka Naman sa Sarili mo Hindi ka nanga maganda maging matalino ka nalang, pwede ba mag ayos ka manlang bago ka umamin sa lalaki Isa pa kahit kailan Hindi kita magugustuhan wag kana ulit lalapit Sakin” sobrang sakit na manggaling Sayo Yun mismo, pero gusto parin kita. Jonas Archer,
Grabe ka Naman Malia martir ka din eh Akong bahala Sayo igaganti kita sa mga nag pahirap nang Buhay mo, Hindi mo alam Nung si Dali Pako palagi Akong starter sa bugbugan. Hayaan mo Hindi ko hahayaan tong katawan mo na masaktan ulit Chaka Hindi ka panget medyo baduy ka lang pumorma at Yung hairstyles mo diko trip sobrang haba Hanggang puwit gupitan natin Hanggang bewang huh, Chaka makinis Naman Ang balat mo maputi ka matangos ilong na chinita may dimple kapa kulang lang talaga sa ayus hayaan mo mag mamake over Tayo at next sa lunes papasok na Tayo nganga yang crush mo,
Habang tinitingnan ko Ang mga picture nang crush ni Malia Nakita ko Ang cellphone nya, Buti nalang may face unlock kaya nabuksan ko ito, pero pag bukas ko nang cellphone nya bumungad Sakin Ang Isang video, video ni Malia habang binubugbog sya, anlala kahit lalaki nakikisuntok, habang pinanonood ko Yun nakaramdam Ako nang Galit at naiyak Ako nang sobra nang matapos ko Ang video akala ko Isang video lang pero buong gallery nya puro videos nya, sinisend pa Kay Malia Yung mga video pag katapos syang saktan, Tang Ina sobrang Kong nang Hina oo alam ko nakikipag away Ako at nakikipag bugbugan pero sa mga siraulo lang Yun sa school Namin Hindi Ako nananakit nang Basta Basta pero eto andami nila pinag tulungan nila si Malia ni walang lakas lumaban,
Shet Naman kaya Naman Pala nang pakamatay si Malia pero tiniis nya para lang Makita Yung Jonas, Jusko Naman wag Kang mag alala Malia papasok Tayo sa School at ibabalik ko Ang mga Ginawa nila Sayo,
•••
Ni Hindi Ako nakatulog sa sobrang pag iisip at sa gigil ko sa mga hayup na nanakit Kay Malia,
Kinaumagahan Maaga Kong gumising at bumaba at Nakita ko Ang parents ni Malia,
‘Good morning po, ‘Oh anak gising kana Pala halika Kumain ka,
Mukang walang alam Ang parents ni Malia sa nangyayari sa kanya,
‘Uhm pwede po bang Mama Papa nalang Ang itawag ko sainyo, ‘Oo Naman anak kahit ano pa Yun okey lang may kailangan kaba Ija, ‘Uhm pwede poba Kong mag pagupit medyo mabaha napo Kasi Yung buhok ko eh, ‘Oo nman anak oo nga Pala eto Yung wallets mo baka makalimutan mo, ‘Black card po ba to, ‘Oo anak nag pasya kami na ibigay Sayo yan sa dami nang pag kukulang Namin bilin mo kung ano Ang gusto mo kahit ano pa yan, ‘Talaga po thankyou po mag papagupit lang po Ako Chaka ngapo Pala papasok napo Ako sa bukas,‘Ano papasok kana kaya Mona ba? ‘Opo kaya Kona po kaya ko na ngapo makipag basagan nang muka eh, “Ang ibig ko pong Sabihin kaya Kona pong mag aral Hanggang sa mabasag ko Ang paso ni eba hehehe alam ko pong weird pero alis nathank youh hehehe, sabay takbo ko palabas nang Bahay,
‘Anak wag Kang tumakbo, Ang weird nang anak natin honey logic ba Yung sinabi nya, ‘Ewan ko pero natutuwa Akong Makita na may Ganong sides sya,
Nang makalabas Ako agad Kong inaya ang mga bodyguard ko,
Kuya Tara na punta Tayo sa mall mag shopping Ako, ‘Sakay napo kayo ma'am, Buti Naman po at lalabas kayo, ‘Bakit kuya kahit shopping noon diko Ginawa? ‘Hindi po, ‘
Ah Ganon ba Sige Mula Ngayon at sa tuwing malungkot Ako mag shopping Tayo,