Matapos Namin sa cemetery hinatid Kona si Josh sa Bahay nila,
‘Malia salamat sa pag hatid ingat kayo, Kuya ingat po,
Habang nasa byahe kinausap ko si Kuya driver,
‘Kuya may anak ka po? Seryoso Kong Tanong, ‘Meron po ma'am bakit po? ‘Ano gagawin mo kuya kapag nalaman mo na Yung anak mo na mahal mo Wala na Pala tapos ibang kaluluwa na Yung nasa katawan nang anak mo, ‘Joke ba yan ma'am, ‘Sige na kuya sagutin muna, ‘Diko alam ma'am eh bilang magulang Masaya ko na nakikita ko Yung anak ko na Buhay pero ibang tao Yung nasa loob nya diko alam ma'am sasagutin ko nalang po sa susunod sa Ngayon po pag iisipan kopo muna, ‘Sige kuya Tara na sa Bahay wag nyo sasabihin kila mama na nag cut Ako ah Wala Naman Ako ginawang kalokohan, ‘ Yes ma'am Masaya po Ako na may Isa na kayong kaibigan Yung Josh, ‘Ah Yung makulit na Yun Oo Masaya din Ako Kasi may nakakausap usap Nako,
Ilang minuto Ang lumipas nakarating na kami sa Bahay at agad Akong dumiretso sa kwarto,
‘Maam nandito na Pala kayo pinapasabi po nang parents nyo na next week na Sila makakabalik nasa out of town Business po Sila kain na kayo ma'am, ‘Sige ate salamat pero akyat Nako bukas Nako kakain,
Umakyat Ako sa kwarto at nahiga sa kama at nag open nang cellphone para istalk si Dali,
Inistalk ko Ang account ko at pumunta sa photos,
Hay miss Kona Ang mga kaibigan ko miss Kona tumambay Kasama Sila sabay papasok maglalakad papuntang school sabay Kumain sabay umuwi, Mahirap para sa kanila na mawala Ako at Hindi ko sila kayang tiisin pero Anong gagawin ko alam nila Patay na si Dali at nabubuhay na si Dali bilang Malia, pano ko sasabihin sa parents ni Malia na Ako si Dali na Wala na Yung anak nila na ibang kaluluwa na nakatira sa katawan nang anak nila, Wala na Ang parents ko San Nako uuwi pag sinabi ko sa kanila, Ang totoo sigurado Ako na magagalit Sila Sakin. Malia ano bang gagawin ko Ang tanging magagawa ko lang maging Masaya para Sayo para sa kahilingan mo ni family picture Wala kayo sa sobrang busy nang parents mo,
Miss Kona mga kaibigan ko dapat bakong pumunta bukas sa tambayan Namin Anong magiging reaction nila pag sinabi ko na Ako si Dali, Bahala na bukas,
•••
Kina umagahan na late Ako nang gising at nag madali maligo at gumayak,
‘Ate late Nako bakit Hindi Moko ginising, ‘Sorry ma'am akala ko Kasi sinadya nyo na mag pa late Kasi dati palagi kayo Maaga eh. ‘ cge na ate sa school Nako kakain, Kuya alis na Tayo malalate Nako,
Sumakay Ako sa kotse at sakto lang Naman ang pasok ko.
‘hay Buti nakapasok Nako kala ko mag squat nanaman Ako ulit Ikaw Dali idadamay mopa si Malia sa mga kalokohan mo eh,
Tumakbo Ako papasok nang room kung saan Nakita ko si Josh,
‘Oh Malia tubig oh Uminom ka muna umagang Umaga pawis na pawis ka bat Kasi tanghali kana gumising, ‘Sandali lang Josh pag pahingahin mo muna ko di Ako makarebat Sayo Teka, (Uminom nang tubig) Alam mong marami Akong iniisip Ngayon napuyat Ako kakaisip,
Naupo Ako at Maya Maya pa dumating Sila mean girls.
‘Uy mean girls Anjan na Pala kayo papatawag ko nalang Ako ah medyo pagod Ako Ngayon at maraming iniisip eh Sige alis na Kayo, Agad na nag pasalamat Sila mean girls at tumakbo palabas,
‘Ano na Plano mo Ngayon Malia, ‘Magdamag Akong nag isip napag desisyonan ko na pupunta ko sa tambayan Namin para Sabihin Ang totoo sa mga kaibigan ko, kagaya nang Sabi mo pwede ko parin Naman Sila maging kaibigan kahit Ako na si Malia.
Ok class kumpleto naba kayo excited naba kayo mag exam,
‘Hala exam Pala ngayon Anong gagawin ko Hindi Kona matandaan Yung huling Araw na nag aral Ako nang mabuti, ‘Ahahaha Nako Malia alam mo yan pero si Dali Hindi maaalala Naman siguro Yun ni Malia matalino sya eh pero si Dali bulakbol malalaman natin Ngayon tandaan mo nakasalalay sayo Ang grades nyo ni Malia fighting, ‘Bwiset nato kala mo nag aaral mabuti athlete ka lagi Kang Wala sa classroom kala mo nag aaral nang mabuti maupo kana nga.
Meron kayong 2 hours and 30 mins para sagutan lahat nang exam nyo okey pwede na kayo mag start,
Binasa at iniintindi ko nang maayos Ang test papers ko at Isa Isa Kong sinagutan basic lang Naman Pala mga question Sabi Kona matalino talaga ko eh,
Matapos Kong mag exam kinamustankonsi Josh,
‘Ano na Josh Dalian mo mag exam sama ka Sakin sa tambayan Namin, Ano kaba Naman esolve mo nang maayos wag Kang mang hula ihiwalay mo Yung variable at symbols para Hindi ka malito sa pag solve Dalian mo hintayin kita sa labas, ‘Oo na Sige labas na nag sososlve na 10 mins tapos Nako.
Agad Akong lumabas at tumambay sa pintuan nang class room nag cellphone muna habang hinihintay si Josh, Maya Maya pa ay lumapit Sakin si Jonas,
‘Malia pwede ba Tayong mag usap, ‘Ano nanaman ba Jonas pwede ba layuan Moko, ‘Parang iba kana Ngayon Malia, ‘Oo iba na talaga bago tahiin Yung ulo ko Sabi ko sa doctor tanggalin Ang alala ko Sayo, para Hindi na kita guluhin okey na Diba kung dati halos mamatay Ako Araw Araw para lang Makita nga Ibrahim mo na Ngayon ni katiting Wala Nakong gusto Sayo Buti nalang talaga nag ka amnesia ko,
Habang nag uusap kami ni Jonas lumapit si Josh at umakbay Sakin,
‘Malia Tara na, May problema ba Dito, (agad na tumingin nang masama si Jonas Kay Josh at tiningnan nya Ang kamay ni Josh na naka akbay Sakin) ‘Ah Wala Naman bagal mo Kasi mag sagot Tara na,
Agad na nag lakad kami ni Josh papalayo Kay Jonas,
‘Samahan mo muna ko bibili lang Ako nang mga street foods paburito nang mga kaibigan ko Yun eh, ‘Ok Sige, ‘May cash Kaba Josh pautang nga, ‘Ano ba Naman Malia yaman yaman mo Wala ka bang cash, ‘Wala eh puro card tatanggalin ba nang tindero Yun San isswipe Yun Sige na 100 lang lilibre nalang kita nang pagkain sa canteen, ‘Oo na Sige kunat mo din eh, ‘Hindi ah ayoko lang samantalahin Yung Pera ni Malia,
Matapos Namin mag exam umalis agad kami ni Josh at bumili nang street foods at agad na pumunta sa tambayan Namin sa dati naming school,
‘Malia pwede ba Tayo Dito school moba to Nung si Dali Kapa, ‘Oo tama ka nandto lahat nang bwiset,
Habang nag lalakad kami papasok may Nakita Akong nambubully.
Hay Nako nawala lang Ako dto ay nangingikil na ulit, Josh hawakan mo to sandali pepektusan ko lang tong si bogard, ‘Huy Malia Hindi kana si Dali hayaan Mona yan,
Hindi Ako nakinig sa sinasabi ni Josh at agad na lumapit kila Bogard,
“Hoy Bogard Sabi mo Kay Dali Hindi kana mambubully bakit nangunguha ka nanaman nang pagkain ibalik mo yan, (Sabay pingot sa tenga ni Bogard,)
“Aray aray sino kaba, ‘Ako si Malia kaibigan ni Dali Hindi porket Patay na si Dali babali kana sa pangako, ibalik mo yang pag kain nya at baon nya, ‘Ayoko, ‘Hindi ka nanaman ba Kumain sa Inyo, ‘Bakit mo alam yan si Dali lang nakaka alam nyan ah, ‘Sabi ko kaibigan Ako ni Dali alam Kong si Dali nag bibigay nang pagkain Sayo, kaya simula Ngayon pag reses lalapit ka Kay Chub's sasabihan ko syang bigyan ka nang baon, kaya ibalik Mona yan masama yan Diba, ‘Ah okey Sige, ‘Oh mag sorry ka sa kanya bilis, ‘Uh sorry classmates ah Hindi pa Kasi Ako kumakain eh simula Nung namatay si Dali Wala nang nag bibigay nang pagkain Sakin, ‘Ok lang Sige Sayo nalang yan bukas mag babaon Ako tapos sabay na Tayo kakain, ‘Talaga thankyou ah, ‘Oh Bogard may kaibigan kana wag kana mang aagaw nang pagkain ah Sige uwi kana mag kita Tayo ulit, agad na umalis si Bogard at Ang bago nyang kaibigan,
‘Huy Malia sino Yun, ‘Ah si Bogard mabait Naman talaga sya eh kaso sa Bahay nila Hindi sya binibigyan nang baon Ako lang nakakaalam non kaya kahit 50 pesos lang Ang baon ko noon palagi ko syang hinahatian, Hindi Nako mag aalala sa kanya may kaibigan na sya at may mag bibigay na sa kanya nang pag kain, Tara na nandun na mga kaibigan ko sa rooftop. ‘ano dun talaga antaas nang building nyo pwede ba Tayo pumasok Jan, ‘ syempre bawal kayo ni Malia pero Ako si Dali walang bawal Sakin, Chaka break time Ngayon nasa faculty mga teacher Tara na marami Tayong pag dadaanan makaakyat lang sa rooftop,
Pag pasok Namin nang building ni Josh lahat nang studyante nakatingin samin,
‘Huy kamusta kayo Ikaw nag yoyosi ka nanaman Jan masama sa kalusugan yan itapon mo yan.
Habang nag lalakad kami hinarang kami ni Ella Ang mean girl sa school ni Dali pero panis naman to Kay Dali eh,
“Hoy bawal outsiders Dito labas, ‘Hoy ka din Ella sino sinisindak mo Ngayon. ‘Hindi moba ko Kilala Ako Ang Queen sa school nato, ‘Anong Queen Queen mo muka mo, Tabe kung ayaw mong mapahiyansa mga tuta mo, ‘Ano yan matapang ka siguro alalay ka ni Dali no Patay na sya kaya Wala nang mag tatanggol sa Inyo dto, ‘Hoy nag aangas kaba Kasi Wala na si Dali kaya ka nasasapak eh inuuna mo lagi dada, (Hinawi ko si Ella at umakyat pero pinigilan Ako nang dalawang barkada ni Ella) ‘ Sabi ko tabi, Gusto mong maging sinisideup yang itlog nyo tabi, (Agad na tumabi Ang dalawang lalaki at yumuko) habang nag lalakad narinig Kong nag bubulungan Sila Ella at mga kaibigan nito,
‘Ano Yun parang si Dali Ganon na Ganon mag salita si Dali, sino ba sya,
‘Wag nyo nang alamin kung sino ko baka mag collapse kayo, Sigaw ko kila Ella,
Nag pantulog kami sa pag lalakad Hanggang makarating sa rooftop, pag akyat ko sa rooftop gulat na gulat Sila kulangot,
‘Pasensya na late Ako, si Josh Pala kaibigan ko,
‘Wow Chub's favorite natin to Diba, sandali pano mo nalaman na ito lang Ang kayang ilibre samin ni Dali sino kaba talaga,
‘Pumunta ko Dito para makausap kayo, Si Malia Ang nakikita nyo Ngayon pero Ako si Dali Hindi ko alam pero pag tapos nang aksidente nagising nalang Ako dto sa katawan nya,
‘Patunayan mo nga, ‘Patunayan sapat na na nakaakyat Ako dto,
‘Oo nga Chub's Hindi sya pararaanin ni Ella us if natakot nya,
Agad na yumakap sakin si Chub's at umiyak,
‘Dali Ikaw Ngayon siraulo ka parin Hanggang ngayon sobra ka Namin na miss Nung namatay ka Araw Araw kami sa puntod mo bakit Hindi mo agad sinabi samin, ‘Chubs wag kana nga umiyak baka magkasipon uniform ni Malia, Kulangot ano iiyak ka nanaman, ‘Ikaw ba talaga si Dali, ‘ Naalala mo Nung junior highschool Tayo, lagi Moko inaantay lumabas nang Bahay umiiyak ka palagi at sinasabayan Moko mag lakad papasok sa school Kasi pag Kasama Moko walang nambubully Sayo kakaiyak mo namumuno na Yung sipon mo kaya tinawag kita na kulangot Mula non, ano pang gusto mo Malaman. (tumakbo si kulangot at agad na niyakap Ako,) Ikaw nga si Dali Ang kaibigan namin, ‘Ikaw usok nangako ka Sakin Hindi kana mag yoyosi bakit nag yoyosi ka sa puntod ko, ‘Sobrang stress kasi ko at sobrang miss ka Anong gagawin ko, ‘Ganon ba na stress ka Hindi ka Naman nag aaral nang mabuti halika nga dto.
Ngayon alam nyo na na Buhay Ako iba ngalang Yung katawan ko ayus lang ba Yun sa Inyo,
Kahit maging aso kapa tanggap ka namin no,
Nag iyakan Ang mga kaibigan ko habang yakap yakap ko Sila,
‘Sandali Dali Yung Josh kaibigan moba oh kaibigan ni Malia, ‘Ah si Josh kaibigan ni Dali at Malia yan kaibigan nyo na din sya kayong apat lang nakakaalam kung sino talaga ko, Hindi kopa nasasabi sa parents ni Malia eh, ‘Yung aso ko Pala si CalCal kamusta sya,
Habang nakatalikod Ako nakarinig Ako nang tahol nang aso, agad na sumama Sakin si CalCal at dinilaan Ako nang dinilaan sa muka,
‘CalCal nakikilala mo si Mami, ‘Nung namatay ka at parents mo binenta nang kamay anak nyo Yung Bahay nyo si CalCal inuwi ko sa Bahay Sinama ko sya Ngayon Kasi walang mag babantay. Ngayon bumalik na Ang amo nya Hindi na sya sasama Sakin ulit, ‘Talaga Chub's thankyou ah inalagaan mo si CalCal, ‘Syempre nman alam Kong mahal na mahal mo si CalCal,
‘Oh pano baba na Tayo may klase pa kami, ‘Sige sabay na kami Josh makihawak Naman si CalCal mag papapasan lang Ako Kay Chub's, ‘Ano Dali Naman Hindi Kona kinain Yung junkfoods, ‘Kahit na parusa moto Dali na,
Pumasan Ako Kay Chub's pababa nang hagdan, habang bumababa kami umiwas Ang mga tao samin, na Tila takang taka, Nung Ako pa si Dali normal samin to,
‘Dali pagod Nako, ‘ Sige baba Mona ko Malia na tawag nyo Sakin masanay na kayo, ‘susubukan Namin Hindi ka nman Kasi nag bago kahit nag iba Yung katawan mo Yung ugali mo masama parin, ‘ Oo nga Pala Chub's si Bogard Ikaw na bahala sa kanya ah, parang lumala ata sila Ella, ‘Ah Oo Hindi nanga lang namin Sila pinapansin eh Nung nandto ka tahimik tong school Malaki nag bago Nung nawala ka, ‘Ganon ba kayo na bahala dto ah si Malia Kasi biktima sya nang bullying kaya tinapos nya Yung Buhay nya Hindi nya nakayanan,
Agad na napatigil Ang mga kaibigan ko at nag umpisang mag Tanong,
‘Ano kamusta gumanti kaba para Kay Malia basag ba muka ano kumpleto paba katawan,
‘Grabe Naman kayo Sakin Ganon bako kalala, ‘Malala sapak mo sa utak Dali Sarili mo Hindi mo Kilala, (Tumawa si Josh) ‘Hoy tawag tawa ka Jan, ‘Wala natawa lang Ako dika Pala nainform,
Nag patuloy kami sa pag lalakad Hanggang makababa nang building,
‘So ano nga Ginawa mo, ‘Ayokong masyadong mapasama si Malia naisip ko na parusahan nalang mga nambubully sa kanya, ‘Anong parusa sasabit mo patiwarek tapos lulublob mo sa drum oh kaya patatakbuhin mo sa campus nang walang saluwal, ‘Chubs grabe ka nman di Ako Ganon Kasama, ‘Luh Anong Hindi Ginawa mo kaya dto Yun, ‘Dati payun matagal na panahon na Yun, ‘Hindi ah last year lang Yun, ‘Oo na nga last year lang, naisip ko na pagpulutin Sila nang basura Hanggang sa graduation next year ok na Yun no, ‘Hindi ok Yun Dali Hindi Ganon style mo Ang Gawain mo kung ano Ang Ginawa Sayo gagawin mo nang triple, ‘Anong gagawin ko si Malia to katawan nya to ayokong mapasama sya, I report ko nalang ba, kaso Hindi alam nang parents ni Malia na nabubully sya noon asi bussy parents nya eh, ‘ Kawawa Naman si Malia Pala kaya nman Pala sya nag paka matay, Ikaw Gawin mo Yung sa tingin mong tama noon kahit lagi Tayo nasa police station ni Minsan Hindi ka sinisi nang parents mo kahit Wala Kang ginawang tama puro away ka mahal ka parin nang parents mo Kasi alam nila na nasa katwiran ka, pero si Malia kinimkim nya lahat nang mag Isa, ‘Oo nga eh Basta pag iisipan ko muna, Sige na pasok na kayo uwi na kami,
‘Sige ingat ka text mo kami Hindi kami nag palit nang number, ‘Ok Sige,
Umalis kami ni Josh at sumakay sa kotse,
‘Ano Josh gusto mo sumama sa Bahay turuan kita mag solved,
‘Libre ba yan, ‘Oo libre. ‘Sakto Wala kami training bukas pa, manood ka ah. ‘Nako ayoko, ‘Bakit Naman, ‘ puro lalaki kayo Diba, ‘Oo may match kami bukas para sa laban manood kana sa gym lang Naman nang school Yun. ‘Cge nanga.
•••
Nang makarating kami sa Bahay Masaya kaming nag kukulitan ni Josh, tumalon si Josh sa likod ko para mag papasan,
‘Aray ko punyeta ka lakas mo mag Trip ah bumaba kanga Ang bigat mo,
Pag dating ko sa pintuan habang pasan pasan si Josh Nakita ko sa Mami at Dady ni Malia,
Baba Josh parents ni Malia,
‘Uhm good afternoon mo ma'am Sir, Ako po si Josh kaibigan ni Malia,
‘Good afternoon Naman, ‘Uhm mama Papa nandto si Josh mag aaral po Kasi nang math okey lang poba dto lang po kami sa sala, ‘Ah Sige ayus lang Naman Kumain naba kayo anak, ‘Uhm yes pa, ‘Anak boyfriend moba sya first time ka nag dala nang lalaki dto sa Bahay first time ka din nagpakilala samin nang kaibigan Yung totoo boyfriend moba sya, ‘Po Nako Hindi po kaibigan ko lang po sya medyo maharot lang po talaga sya hobby nya po Kasi mang inis eh, Sige po mag aaral na kami.
Habang nakasalampak kami sa sala ni Josh dinalan kami nang miryenda nang katulong,
Ma'am miryenda po, thankyou ate paki lagay nalang po sa MESA,
‘Wow resesan na, (agad Kong tinakpan Ang bunganga ni Josh bago pa nya kagatin Ang tinapay)
‘Hoy Ikaw Hindi ka kakain hanggat Hindi moto nasoslve, ‘Malia Naman gutom Nako Isang kagat lang please, ‘Hindi nga Sabi eh, (Tumakbo si Josh dala dala Ang tinapay at pumunta kung nasaan Ang parents ni Malia agad ko itong hinanol para Kunin Ang tinapay)
Ikaw Joshua Caleb Patay ka sakin pag nahuli kita. Nagpahabol si Josh Sakin at umikot ikot kung nasaan Ang parents ni Malia, hinabol ko ito Hanggang sa mahuli ko, at agad ko itong hinedlock,
‘Aray Malia eto na isososlve Kona, ‘Matigas Ang ulo mo ah mali Naman Yung pag sososlve mo Hindi ka nakikinig sa tinuturo ko gusto mo bang balian kita,
Habang naka headlock si Josh napatigil Ako bigla at napa tingin sa parents ni Malia,
Nakatulala ito sa Amin at gulat na gulat,
‘Uhm niyayakap ko lang ko si Josh hehehe, ‘Anak halos Hindi na makahinga Yung kaibigan mo bitawan Mona sya at hayaan mo nang Kumain, ‘Dad mali mali sya sa pag solved Ang bagal pa mag sagot nang exam, ‘Uhm turuan mo nalang sya ulit pagka meryenda nyo ha,
Binitawan ko si Josh at agad itong yumuko sa parents ni Malia,
‘Tito, Tita thankyou po for saving my life, (sabay takbo para Kumain,)
‘Ahehehehe nag bibiro lang po Yun hehehe sige po mag mimiryenda napo kami,
Agad Akong tumakbo papunta Kay Josh at Kumain nang tinapay, habang kumakain kami narinig ko na nag uusap Ang parents ni Malia,
‘Sa palagay moba ayus lang Ang anak natin malayong malayo na sya sa dati Hindi ba, ‘Ayus lang sya Malaki Ang nag bago pero Masaya ko na may kaibigan na sya Masaya ko sa kung ano sya Ngayon, kahit na pakiramdam ko na ibang tao na sya ayus lang Sakin hanggat nakikita ko na Masaya Ang anak natin, pakiramdam ko hindi Ako dapat mag alala, hayaan natin sya sa gusto nyang Gawin,
Matapos Kong marinig Yun nginitian ko Ang parents ni Malia, at ngumiti din Sila Sakin,
Bumalik kami sa pag aaral ni Josh Hanggang sa matuto sya mag solved.
‘Hay sa wakas natapos na din Ang sakit nang ulo ko Malia, ‘Nako kawawa ka Naman nabigla siguro Ang braincells mo no sandali kukuha kita gamot.
Agad na tinawag si Josh nang parents ni Malia at kinausap,
Matapos Kong kumuha nang gamot agad Akong lumapit sa kanila,
‘Ijo may girlfriend kana ba? Tanong nang Mami ni Malia, ‘Nako Tita Wala po Akong girlfriend Hindi Pako Ako nag kaka girlfriend bussy po Kasi Ako eh, ‘Anong pinag kaka bussyhan mo, ‘Uhm athlete po Ako teakwondo nag handa po Ako para sa competition, ‘Ah okey Ang parents mo Anong work, ‘Ang parents kopo may maliit na restorant po kami Sila po nag babantay, scholar po Ako sa school dahil sa pag teakwondo kaya nakakapag aral Ako, ‘Ah Ganon ba,
‘Oh Josh inumin mo to bago ka umuwi kita nalang Tayo bukas sa exam mag review ka ah,
Sige po Tita Tito uwi napo Ako salamat po sa miryenda, Sige ijo ingat ka ah,
Uhm ma pa hatid ko lang po sya sa pintuan,
‘Malia agahan mo pasok ah hintayin kita sa gate.
Bago pa lumabas si Josh sinipa ko ito palabas,
‘Oo na Sige agahan ko, kuya pahatid si Josh, ‘Yes ma'am,
Pag talikod ko tinawag Ako nang parents ni Malia,
‘Uhm bakita po, ‘pwede ka bang makausap, ‘tungkol San po, ‘Maupo ka ija,
‘Ano tingin mo Kay Josh, ‘Po Kay Josh po, Gwapo sya mabait makulet mukang mabait na anak, ‘Gusto mo ba sya, ‘Nako Hindi po Pa, ‘Bakit Naman kaibigan mo sya Hindi ba, ‘Opo kaibigan ko sya pero Wala po Akong gusto sa kanya, Sige po aakyat napo Ako sa kwarto,
Ano Yun Ang weird Naman non parang bet nila si Josh para Kay Malia, Ako mag kakagusto Kay Josh gwapo Naman sya masarap Kasama pwede na, Ganon pa Naman mga tipo ko Nung si Dali Pako nakakasabay sa trip ko, pero nakikita nya Sakin si Malia pero Yung ugali ko Dali kung mag kakagusto sya sino samin ni Malia, bakit koba iniisip Yun makatulog na nga,