Pagpasok na pagpasok namin sa loob ng malaking silid. Kumpleto na ang mga tao na dapat nakaupo sa kanilang mga silya. Lahat sila ay nakatingin sa akin na sinuri ako mula ulo hanggang paa. Suot ko ang simpleng hikaw na niregalo sa akin ni Hector noong na close namin ang isang deal, kasabay ng pagkapanalo namin sa bidding. Bukod sa hikaw, wala akong iba na suot sa aking katawan. Naupo ako sa katabing upuan ni Hector sa unahan. Tumayo kaagad ang lalaki at binati ang lahat. “Ladies and gentlemen, it is my pleasure to introduce Miss Evangeline Hagood, the visionary leader behind the Eve Textile Group of Companies. She has achieved remarkable growth, expanding her business from planting pineapples and abaca to fabric production, manufacturing, retail, and fashion. Her success is often at

