Buong akala ko ay magagalit si Damon sa matanda. Nagulat ako sa naging reaksyon ng aking asawa. “Halika po ‘tay.” Sabi ng aking asawa sa matandang lalaki na nakayakap sa kanyang braso. Napangiti ako at parang hinaplos ang aking puso ng mainit na pakiramdam. Sometimes, the person whom everyone thinks has a bad attitude is the one with a kind heart. Marami kami, kasama ako na damunyo nga ang tawag sa aming boss. Dahil mahilig ito sumigaw, laging seryoso ang mukha at hindi nakikipag-usap. I did not expect that he has a heart for elderly people. “Umiiyak ka ba?.” Tanong ko kay Damon na pilit iniwas ang kanyang tingin sa akin at pasimple na pinunasan ang kanyang luha sa pisngi. “Hindi, nag skin care lang ako. Toner lang ‘to.” Pilosopo na sagot ng lalaki na paglingon ko sa matandang ma

