Matapos ko humingi ng sorry kay mommy kahapon, pinatawan naman niya ako kaagad. Naiintindihan daw niya ako. Ako naman ay nakokonsensya dahil sa sinabi ko. Minsan talaga kailangan natin isiping mabuti ang mga lumalabas sa ating bibig, kasi mahirap makasakit, hindi na mababawi pa ang mga salita na binitawan na. “Kamusta, anak?.” Napalingon ako sa daddy ko na nakapamulsa habang seryoso ang mukha. Himala na hindi ito nagbabasa ngayon. “Kung wala ka lang sakit, gugulpihin kita ngayon. Ayaw ko sa lahat, makita na umiiyak ang mommy mo. Sobra-sobra ang pagmamahal ko kay Andrea, kaya't walang sino man ang pinapahintulutan ko na saktan siya, kahit ikaw pa na anak ko.” Hindi ako umiimik, nakayuko lang ako dahil may kasalanan din ako sa mga nangyari. Maling-mali talaga ako na sinisi lahat kay m

