“Mama, bilisan mo na po. First day ko po sa school.” Nayayamot na sabi ng aking anak na si Aria. Kadarating ko lang kasi galing sa pwesto ko sa palengke. May malaking tindahan kasi ako ng mga prutas. May mga suki na ako na may mga pwesto din ng mga beverages, mga palamigan at kung ano-ano pa. Kumukuha sila sa akin madalas tuwing umaga dahil sariwa ang mga prutas. “Oo na anak, tara na! Aba ang bagal mo kumilos.” Pang-iinis ko pa sa anak ko na nginusuan na lang ako. Dinampot ko na ang kanyang bag at snacks box. Naglakad kami patungo sa kalsada at naghintay ng tricycle. “Sakay na kayo, Eva.” Sigaw ni Louie na kababata ko at guro din sa paaralan. “Hindi na, nakakahiya naman.” Pakeme na sagot ko sa lalaki dahil nakakahiya, pawisan na ako. Habang ito ay fresh na fresh at mukhang goo

