“Salamat pala sa pagpapagawa ng bahay ko, Sir. Hindi kita babayaran dahil panay ang lamas at haplos mo sa akin, kaya amanos na tayo.” Sabi ni Andrea habang kumakain kami ng almusal. Ibang klase din talaga ang babae na ‘to. Hindi ko maintindihan kung matatawa ba ako o maiimposiblihan. Ibang-iba talaga ito sa mga babae na nakilala ko. “Oh, bakit parang ikaw pa ang lugi?.” Nakataas ang isang kilay nito habang matalim ang titig sa akin. Medyo nakakatakot pala ito kapag nagtataray. Parang mas gusto ko na lang ang dati na pangisi-ngisi lang ang babaeng ‘to. “Wala naman akong sinabi ah?.” Patay malisya na sagot ko habang kumakain. Masarap talaga itong mag-luto ng pagkain. Kahit simpleng nilagang baboy lang ay masarap. Hindi ako sanay na kumakain ng kanin sa agahan, tanging oatmeal lang a

