CHAPTER: 48

1159 Words

“Halika na, ihahatid na kita.” Sabi ni Davidson Allegre. Nakangisi ito ng nakakaloko kaya inismiran ko. “Nandoon lang ang bahay ko, kung kailan malapit na ako saka mo ako ihahatid. Sana kanina ka pa dumaan dito.” Pagtataray ko sa lalaki pero sa totoo lang ay medyo kinakabahan na ako. Nakasunod ang sasakyan nito sa akin kaya't nakakatakot, lalo pa at walang tao sa bandang kalsada na ‘to. “Sasakay ka ba o bubuhatin kita?.” Sa tanong nito ay tinambol ang dibdib ko. Napahinto ako ng paglalakad at tinitigan lang ito dahil huminto din sa mismong harapan ko ang kanyang sasakyan. “Okay, safe ba ako sayo?.” Tanong ko dito na nagtaas lang ng balikat sabay ngisi sa akin. Hindi ako kumilos kaya't bumaba na ito sa kanyang sasakyan at sumandal sa labas habang nakatayo. Lumapit naman ako dito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD