Maaga akong nagising dahil maaga ang sikat ngayon ng haring araw. Nakangiti ako na bumangon, nag-iisip ano na naman kaya ang lulutuin ko na almusal. Hindi na ako nagtataka kung bakit sikat ang mga restaurants Desmond, ang sarap ng luto niya. Ang pepper pasta na niluto niya ay grabe! Hindi ko akalain na ganun ka sarap. “Good morning ate, heavy meal na lang tayo ngayon. Mag saing ka ate, magluluto ako ng bacon at egg, pakilabas na din ang tuyo, gagawin kung gourmet tuyo.” Sabi ko sa isang kasambahay na naglilinis sa kusina ng abutan ko. “Ma’am nakita mo na ba ang news? viral si sir Desmond ah! Comeback niya na video, nagluluto. Grabe ang pandesal ma’am, kaya ang daming nababaliw sa kanya ‘e.” “Oh, bakit biglang nagbago ang mukha mo te?.” “Model pala ang dalawang kaibigan niya na

