“Halika dito anak, Aria!.” Tawag ni Desmond sa aming anak na walang ganang lumapit sa kanya. Binuhat ito ng aking asawa at tinungo namin ang silid nito. Malaki at maganda, kulay pink na puro stuff toys at mga laruan. Hinaplos ko ang damitan nito na may magagandang tela ang mga dress. “Abaka, pineapple, silk, cotton.” Mahinang bulong ko habang hinahaplos ang tela ng mga damit. “Abaca ang pineapple is not good for childrens. Mainit sa balat, ang iba nakaka-irritate.” Mahinang sabi ko sabay ngiti kay Desmond na tumango lang sa akin. “Ang secretary ko kasi ang pinabili ko ng mga yan. Wala din yun alam, kaya siguro kung alin lang ang maganda, yun lang ang binili.” Tumango lang ako sa aking asawa at ngumiti. Lumapit ako kay Aria na malungkot. “Magugustuhan mo din dito baby, malay

